Hydrocortisone nakatutulong sa malulubhang COVID-19 patients

Imahe mula sa Tabip Academy
  • Hydrocortisone na karaniwang nabibili sa mga botika napatunayang nakatutulong sa mga malulubhang COVID-19 patients
  • Tinawag ng isang eksperto ang Hydrocortisone na “further weapon in the armory in the worldwide fight against COVID-19”
  • Nilinaw ng eksperto na hindi ito maaaring gamitin bilang prevention sa COVID-19 o gawing home remedy para sa viral infections

Ang Hydrocortisone, isang anti-inflammatory medicine na karaniwang nabibili sa mga botika, ay nakatutulong sa pagbaba ng mortality rate ng mga pinakamalulubhang kaso ng COVID-19, ayon sa isang pag-aaral na ginawa sa United Kingdom.

Imahe mula sa Health Warehouse

Ang grupo ng mga researchers mula sa Imperial College London na pinangunahan ni Prof. Anthony Gordon ay nagsagawa ng pag-aaral sa effectiveness ng hydrocortisone sa mga pasyenteng naka-ventilator na binibigyan ng intensive care.

Ang ginawa nilang pag-aaral ay ikinumpara sa anim na kaparehong pag-aaral sa ibang panig ng mundo na nagsasagawa rin ng pag-aaral kung ang mga corticosteroids gaya ng Hydrocortisone ay maaaring gamiting panlunas sa COVID-19.

Ayon kay Prof. Gordon, 20% ang nabawas sa mortality rate ng mga malulubahang kaso ng COVID-19 batay sa resulta ng pinagsama-samang pag-aaral.

Sa ginawang mga pag-aaral, sa isandaang malulubhang pasyente na hindi binigyan ng Hydrocortisone 40% ang hindi nakaligtas. Samantalang sa grupo na nabigyan ng hydrocortisone, 32% lang ang sinawimpalad na ‘di nakaligtas.

Imahe mula sa Avalanches

“In the groups that were given the various steroids, 32%, roughly, died, so that’s a 20% reduction in the risk…,” ani Prof. Gordon.

Sabi pa niya, “That means if you treat 100 patients giving them steroids, you would expect to save eight lives, which is really impressive to see a result like that.”

Tinawag ni Simon Stevens, ang chairman ng National Health Service (NHS) sa England ang hydrocortisone na “further weapon in the armory in the worldwide fight against COVID-19.”

Imahe mula sa Tabip Academy

“Just as we did with dexamethasone, the NHS will now take immediate action to ensure that patients who could benefit from treatment with hydrocortisone do so,” ani Stevens.

Sinabi ni Prof. Gordon na ang resulta ng mga pag-aaral ay malinaw na ebidensya na ang steroids ay nakatutulong sa mga malulubhang pasyente. Nilinaw niya na hindi ito maaaring gamitin bilang prevention sa COVID-19 o gawing home remedy para sa viral infections.

Loading…