Ilang Kapamilya stars mapapanood na sa TV5 via blocktime deal

Mga imahe mula sa Facebook
  • Mapapanood na sa TV5 ang ilang Kapamilya stars sa mga darating na araw
  • Ito ay matapos pumirma ng blocktime deal ang Brightlight Productions para umere ang kanilang programa sa kabilang istasyon
  • Kabilang sa mga talent ng ABS-CBN na mapapanood sa Kapatid network sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Piolo Pascual at marami pang iba

Muling mapapanood sa telebisyon ang ilang Kapamilya stars ngunit sa pagkakataong ito ay hindi sa bakuran ng ABS-CBN kundi sa TV 5 na pag-aari ni Manny V. Pangilinan.

Base sa ulat ng ABS-CBN mismo, pumirma ng blocktime deal ang Brightlight Productions ni Albee Benitez upang makakuha ng blocktime slots sa Kapatid network ang ilang programang ipoproduce nito.

Imahe mula sa Facebook

Ayon umano sa sulat sa mga advertisers na nagmula kay Brightlight Productions president and CEO Albee Benitez, kabilang sa matutunghayang programa sa TV5 ay ang “Laugh Out Loud”, isang noontime show na si Johnny Manahan ang nag-produce at tatampukan nina Billy Crawford, Alex Gonzaga, K Brosas at Wacky Kiray.

Mapapanood din ang sitcom na “Oh My Dad” na ididirek ni Jeffrey Jeturian at pagbibidahan nina Ian Veneracion, Dimples Romana, Sue Ramirez, Ariel Urieta at Gloria Diaz.

Imahe mula sa ABS-CBN

Itatampok rin sina Piolo Pascual at Catriona Gray sa “Sunday Noontime Variety Show” na ididirek din ni Johnny Manahan habang meron ding “Sunday Kada Kada Sunday” si Direk Bobot Mortiz.

Isa rin sa aabangan sa TV5 ay ang “I Got You” nina Beauty Gonzales, RK Bagatsing at Yen Santos sa direksiyon ni Dan Villegas.

Samantala, tuloy na rin ang muling paglabas ni Korina Sanchez sa “Rated Korina” sa gitna ng mga haka-haka na ito ang pumalit sa naunsiyaming program ani Kris Aquino.

Image by Korina Sanchez via Instagram

Dati nang ibinahagi ni Johnny Manahan na nakikipag-usap na sila sa mga karibal na istasyon upang mabigyan ng trabaho ang mga Star Magic talents bago pa man pinalakas ng ABS-CBN ang kanilang online platform.

“Almost immediately, instantaneously, advertising revenues began to dry up, projects canceled, contracts suspended. And with that, we began to look elsewhere for opportunities for our artists. Talks are currently underway with contacts from Channel 5 and Channel 7,” ayon sa batikang director.

Loading…