‘Inaugural flight’ ng bagong Gulfstream jet ng PAF, nagdala ng medical supplies sa Davao City

Imahe mula sa Facebook ng PH Air Force
  • Lumipad na ang bagong Gulfstream jet ng PAF sa ‘inaugural flight’ nito patungong Davao City
  • Naging kontrobersiyal ang pagbili ng gobyerno sa eroplano dahil sa halaga nitong umabot sa P2-bilyon
  • Bitbit ang medical supplies, lumipad ang C2 aircraft sakay ang ilang matataas na opisyal

Nagdala ng medical supplies patungong Davao City ang bagong-bagong Gulfstream G280 ng Philippine Air Force sa ‘inaugural flight’ nito noong Lunes, ika-21 ng Setyembre.

Naging kontrobersiyal ang pagbili ng gobyerno ng nabanggit na eroplano noong nakaraang taon dahil sa presyo nitong umabot sa P2-bilyon.

Ayon sa PAF, lumipad ang ‘Command and Control aircraft’ bitbit ang mga medical supplies at PPEs patungo sa lungsod ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Imahe mula sa Twitter ng PH Embassy in the US

Sakay nito ang ilang matataas na opisyal ng gobyerno na kinabibilangan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, DOH Secretary Francisco Duque III; DILG Secretary Eduardo Año; at Chief Implementer on the declared National Policy against COVID-19 na si Secretary Carlito Galvez Jr.

Nailipat na ang pag-aari ng nabanggit na Gulfstream 280 sa pamahalaan ng Pilipinas noong Setyembre 17 sa ginanap na simpleng seremonya sa Gulfstream Dallas facility.

Ang modernong eroplano ay may maximum range na 3,600 nautical miles o 6,667 kilometers at long-range cruise speed na Mach 0.80.

Imahe mula sa Facebook ng PH Air Force

“The C2 aircraft will become part of a system designed for enhanced control of operations through continuous communications especially during operational exigencies and emergencies. It will allow for time-sensitive decisions to be made while airborne especially by the AFP Chain of Command like the Secretary of National Defense; Chief of Staff, AFP; Major Service Commanders; and Commanders of the Unified Commands,” ayon sa PAF.

Ginanap ang turnover at blessing ceremony sa Haribon Hangar, Clark Air Base, Mabalacat City sa Pampanga nitong Lunes din.

Loading…