Inka Magnaye ibinahaging nag-drop out sa high school dahil kailangan niyang magtrabaho agad

Imahe mula sa Facebook ni Inka Magnaye
  • Ibinahagi ni Inka Magnaye na hindi siya nakatapos kahit man lang high school
  • Kailangan niya umanong magtrabaho agad dahil nalugi ang negosyo ng kanilang pamilya
  • Subalit mas pipiliin pa rin niya umanong makatapos ng pag-aaral at magkaroon ng diploma

Marami ang nagulat nang ibahagi ni Inka Magnaye na hindi siya nakapag-college man lang dahil kahit high school ay hindi niya natapos.

Si Inka ay nakilala sa social media matapos amining siya ang nasa likod ng magandang voice over ng Philippine Airlines (PAL) inflight announcement.

Imahe mula sa Facebook ni Inka Magnaye

Sa kaniyang Twitter account kamakailan, ibinahagi ni Inka ang kaniyang pinagdaanan nang isang netizen ang nagtanong kung anong kurso ang natapos niya.

“I didn’t get to go to college! I had to drop outta high school because my parents didn’t have enough funds (our fam business burned down) and my college plan disappeared. So I had to start working,” wika ni Inka Magnaye.

Screenshot mula sa Twitter

Ibinahagi niya rin na walong taon siyang nagtrabaho bilang disc jockey (DJ) sa 99.5 RT/ Play FM mula 2008 hanggang 2016. Kaya malaking bahagi umano ng kaniyang pagiging voice talent ngayon ay nagmula sa kaniyang radio training.

Ayon pa kay Inka, kailangan niyang magtrabaho nang puspusan para lamang makarating sa kinaroroonan niya ngayon sa industriya na kaniyang pinili.

Ganunpaman, kung papiliin umano siya ay nais pa rin niyang mag-aral at makatapos upang magkaroon ng diploma.

Screenshot mula sa Twitter

“The reason why voice work is the ONLY thing I can really do atm is because I can’t apply anywhere else. The only diploma I have is a grade school diploma. What company would take me? And I had to work VERY hard to get to where I am in my own industry. It’s NOT easy,” ayon kay Inka.

May payo rin siya sa mga kabataang nag-aaral: “School isn’t everything, yes. But if you have the means to finish school, then PLEASE STAY IN SCHOOL. Education is always to your advantage.”

Loading…