Inka Magnaye ng PAL voice over ipinakilala ang tiyahing siya rin palang nasa likod ng MTRCB advisory

Imahe mula sa Facebook
  • Kilala n’yo ba ang nasa likod ng boses ng MTRCB advisory?
  • Ipinakilala ito ni Inka Magnaye, ang nag-viral na PAL voice over
  • Marami ang natuwa nang malaman nilang kamag-anak pala mismo ni Inka ang naririnig madalas sa telebisyon

“Ang programang ito ay rated SPG. Istriktong patnubay at gabay ng magulang ang kailangan. May maseselang tema, lenggwahe, karahasan, droga, horror na hindi angkop sa mga bata.”

Kung mahilig kang manood ng mga programa sa telebisyon, marahil ay pamilyar na pamilyar sa iyo ang advisory na ito mula sa Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.

Pero kilala n’yo ba kung sino ang nasa likod ng iconic na boses na ito?

Imahe mula sa Facebook ni Inka Magnaye

Marahil ay kilala n’yo na si Inka Magnaye na nag-trending kamakailan matapos ibahagi na siya pala ang naririnig ng mga pasahero ng Philippine Airlines (PAL) na nagsasalita bilang in-flight voice over.

Sa Twitter nitong Martes, ‘ibinulgar’ ni Inka na ang boses sa likod ng MTRCB advisory ay walang iba kung hindi ang kaniyang auntie mismo, si Tita Neneng, ang kapatid ng kaniyang daddy.

“When I say I come from a family of voice overs, I’m not exaggerating,” bahagi ni Inka sa kaniyang video.

Matapos ito ay ipinakilala na ng voice talent ang kaniyang aunt:”Meet the voice behind the iconic MTRCB announcement.”

Game namang nagsample si Tita Neneng at pinatunayang siya nga ang nasa likod ng malamig na boses na laging naririnig bago magsimula ang isang programa o pelikula sa telebisyon.

Screenshot ng Facebook post ni Inka Magnaye

Kaagad nag-trending ang video ni Inka Magnaye sa Twitter at marami ang natuwang netizen dahil sa kanilang narinig.

“I can’t imagine your family reunions! Parang HD siguro yung kwentuhan,” comment ni Kimpoy Feliciano.

“Parang ang sarap niya pakinggan kahit nanenermon sya,” hirit naman ng isang netizen.

“I’ve been trying to imitate your aunt since time immemorial HAHAHA,” ayon naman  sa isang natutuwang commenter.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 131K likes at lampas 14K retweets ang video ni Inka.

Panoorin at pakinggan:

Source :

Twitter, Facebook

Loading…