Iphone users mas malaki ang tsansang magka-date kumpara sa Android owners, ayon sa pag-aaral

Imahe mula sa T3.com
  • Mas lamang umano ang mga gumagamit ng iPhone kesa sa mga Android owners sa pagkakaroon ng date
  • Ito ang lumabas sa pag-aaral na isinagawa ng isang British firm
  • Sikat rin umano ang mayroong iWatch at kahit na Apple Airpods lamang

Ikaw ba ay isang iPhone user, Android user o dili kaya ay Blackberry owner pero single?

Ang artikulong ito ay maaaring magandang balita o hindi para sa iyo; depende sa kung anong handset ang hawak mo ngayon.

Ayon kasi sa pag-aaral na isinagawa ng British firm na CompareMyMobile, mas lamang umano ang mga iPhone users kesa sa mg Android users pagdating sa pagkakaroon ng date.

Imahe mula sa iMore

Ang datus ng CompareMyMobile ay kinalap mula sa ‘swipes and matches’ ng mahigit 50,000 dating apps mula sa malalaking siyudad sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Base dito, ang mga gumagamit ng iPhone ay mayroong 76% na tsansang makatanggap ng ‘swipe right’ na ang ibig sabihin ay may nagkakainteres na tingnan ang iyong profile. Hindi naman nabanggit kung ano ang specific na model ng iPhone ang higit na ‘kaakit-akit’ sa iba.

Ganito rin ang lumabas para sa mga gumagamit ng Apple iWatch na mayroong 61% ‘swipe right’ chances. Kahit na yaong gumagamit lamang ng Airpods umano ay nakatatanggap na ng 41% ‘swipe right’, ayon pa sa pag-aaral.

Imahe mula sa CompareMyMobile

Samantala, sa mga Android owners naman, tanging Samsung units lamang ang itinuturing na kaakit-akit at mayroon itong 19% chances.

Ngayon kung ikaw man ay isa talagang die hard Android owner, maaaring iwasan mo na ang mga brand na ito habang maaga pa kung ayaw mong manatiling ‘single forever’: Google, Sony, Huawei at OnePlus.

Ang Google phone owners ay mayroong 10% na tsansang ‘i-swipe left’ na ang ibig sabihin ay babalewalain lamang ang profile. Ang Sony ay may 14%, Huawei may 23% at OnePlus may 30%.

Subalit ang pinakabinabalewala, ayon sa kaparehong pag-aaral, ay ang mga Blackberry owners na mayroong tumataginting na 74% na ‘swipe left’.

Imahe mula sa CompareMyMobile

Lumabas din sa pag-aaral na mas tumitingin ang mga kabataang lalaki sa ginagamit na unit ng mobile phone kumpara sa mas may edad na. Subalit ang mga babae ay nananatiling mapili kahit saang age bracket.

Mayroon ding mga lungsod kung saan lumalabas na ‘mas sikat’ ang isang unit. Halimbawa sa New York ay sikat ka kapag mayroon kang Airpods; sa London naman ay Apple iPhone 11 ang mas nakaaakit, habang Apple iWatch ang mas tinitingnan ng karamihan sa San Francisco.

Ang pag-aaral na ito ay maaaring kuwestiyonable sa iba kaya nasa nagmamay-ari pa rin ang desisyon kung anong mobile phone ang mas komportable kang gamitin at wala ka namang pangamba sa magiging kapalaran ng lovelife mo. lol

Loading…