Isang basong tagayan sa sesyon dahilan ng pagkalat ng COVID sa isang barangay sa Baguio – Magalong

Imahe mula sa DF Balita
  • Muling tumaas ang kaso ng coronavirus sa Baguio City, ayon kay Mayor Magalong
  • Isinisi ito ng alkalde sa ginawang inuman sa isang barangay na gumamit ng isang basong tagayan
  • Dahil dito, ipinagpaliban muna ang planong ‘travel bubble’ hanggang sa susunod na buwan

Muli na namang nabahala si Baguio City Mayor Benjamin Magalong dahil sa biglang pagtaas ng kaso ng coronavirus sa lungsod, partikular na sa dalawang barangay doon.

Nitong Sabado, nakapagtala ang lungsod ng panibagong 43 na kaso ng COVID-19; ang pinakamataas na kasong naitala sa loob ng isang araw.

Ito rin ang dahilan kung bakit ipinagpaliban muna hanggang sa susunod na buwan ang planong ‘travel bubble’ o pagtanggap ng limitadong bisita na magsisimula na sana nitong Martes, ika-22 ng Setyembre.

Imahe mula sa Facebook ng Baguio City-PIO

Ayon kay Mayor Magalong, isa sa itinuturong dahilan sa hawaan ng virus ay ang nangyaring inuman sa isang barangay kung saan iisang baso lang ang ginamit para maging tagayan.

“Kahapon mayroon kaming 43 cases. Pero that was the result of contact tracing, 82% of that was the result of contact tracing dahil nagkaroon ho ng inuman sa isang barangay, kainan tapos iisang baso lang ang ginamit sa inuman so ito po ‘yong ang laki po ng implication, dumami po ang na-infect sa barangay na ‘yon,” ani Mayor Magalong sa panayam ng GMA News.

Karamihan sa mga naitalang kaso ay nagmula sa Barangay Ferdinand at Barangay Slaughter House (Sto. Niño) na isinailalim na ngayon sa lockdown. Sa slaughteer house compound lamang, umabot sa 38 katao ang nagpositibo sa coronavirus.

Imahe mula sa DF Balita

Pinaniniwalaang nagmula sa isang tao ang virus at kumalat dahil sa ginawang inuman. Ibinalik na rin ang liquor ban dahil sa pangyayari.

Hanggang nitong Lunes, Setyembre 21, umabot na sa 579 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Baguio; 191 dito ay active, 176 ang gumaling habang 12 naman ang sinawimpalad.

Paliwanag ni Baguio City epidemiology and surveillance unit head Dr. Donnabel Panes, ang mga numero ay nagmula sa kanilang pinaigting na contact tracing.

“Yesterday, 2/3 of our cases are due to contact tracing at sila ‘yong mga in a household or in a certain workplace. May mga behavior kaming nakita kagaya ng sa inuman, may mga gathering,” ani Dr. Panes.

Loading…