Isang sakong basura, itinapon ng lalaki sa ilog ng Bacolod City

Image capture from video by Philippine Star via YouTube
  • Lalaki na-videohan habang nagtatapon ng isang sakong basura sa Bacolod City river
  • Ini-report na umano ito ng uploader sa mga awtoridad pero walang hakbang na isinagawa
  • Hindi ito nagustuhan ng mga netizens

Kitang-kita sa isang video na ibinahagi sa Philippine Star kamakailan ang isang lalaki habang nagtatapon ng isang sako ng basura sa tabi ng ilog na matatagpuan sa Barangay Singcang, Bacolod City.

Image capture from video by Philippine Star via YouTube

Nabanggit pa umano ng hindi pinangalanang uploader na nai-report na nila ito sa mga awtoridad pero walang hakbang na naisagawa.

Ani uploader sa PhilStar, “We’ve reached out to both the city and barangay officials and somehow there was never a response.”

Agad namang nag-trending ang video na nakaabot na sa higit 10,000 reaksyon at nasa 2,800 komento habang ipino-post ito.

Hindi ito nagustuhan ng mga netizens. Ani ng isa, “Kung walang aksyon ang lokal na pamahalaan d’yan, sila ang dapat kasuhan ng DILG.”

May nagsabi naman ng, “Pati kinauukulan wala din ginagawa tapos ‘pag maruming-marumi na saka sila gagalaw.”

Sabi ng isa pa, “Nasaan na ‘yung batas natin tungkol sa pagtatapon ng basura? O ‘asan na ‘yung dapat nagpapatupad nito? Wala na ngang disiplina eh wala na rin bang implementasyon ng batas? Kawawang ilog.”

Malaki ang nagiging epekto ng pagtatapon ng basura diretso sa mga bahagi ng tubig dahil nagdudulot ito ng polusyon na siyang maaaring kumitil sa buhay ng mga isda at iba pang buhay sa ilog lalo pa kung naglalaman ito ng mga toxic substances.

Image capture from video by Philippine Star via YouTube

At kapag naglalaman ng polusyon ang kinakain ng mga isda, malaki ang tsansang babalik ito sa tao yamang isa ang isda sa karaniwang kinakain natin.

Nagdudulot din ng pagbaha ang mgabasura kaya naman gumagawa ng hakbang ang pamahalaan at iba pang grupo para maayos ang problema natin sa kalikasan.

Kinakailangan lamang natin ng mas mahigpit na implementasyon sa mga umiiral na batas at harinawa ay disiplina ng mga mamamayan. Napakahirap bang sumunod sa mga batas gaya ng wastong pagtatapon ng basura?

Loading…