Isanlibong pisong allowance kada buwan para sa mga PWDs isinusulong sa Kamara

Imahe mula sa BWO
  • Isinusulong ni Bohol Rep. Kristine Alexie Tutor na magkaroon ng P1,000 allowance per month ang mga PWDs
  • Layon ng House Bill No. 7571 na magkaroon ng Social Pension Program para sa lahat ng registered PWDs ng bansa bilang karagdagan sa iba pang assistance programs ng pamahalaan para sa kanila
  • Nakapaloob sa panukalang-batas ang pagkakaroon ng National Persons with Disability Registry na magsisilbing verified national database ng mga Pinoy PWDs

Isinusulong ni Bohol Representative Kristine Alexie Tutor na magkaroon ng P1,000 a month allowance ang lahat ng rehistradong persons with disability (PWD) sa bansa at tiyakin na magkakaroon ang mga ito ng access sa microfinance, microinsurance at microenterprise programs ng gobyerno.

Imahe mula sa Veritas846

Inihain ni Rep. Tutor, na siyang vice chairman ng House Committee on Health, ang House Bill No. 7571 o ang proposed “Persons with Disability Financial Resilience Act” para sa kapakinabangan ng mga PWD sa bansa na kabilang sa mga lubos na apektado ng epekto ng COVID-19 crisis.

“To augment current government assistance programs for PWDs, this bill establishes a Social Pension Program for all registered PWDs. The social pension shall be in the amount of P1,000 per month which may be disbursed on a quarterly, semi-annual, or annual basis as may be deemed necessary and appropriate by the DSWD (Department of Social Welfare and Development),” saad ng mamababatas sa explanatory note ng house bill.

Ang Social Pension Program ay dapat umanong hiwalay sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps at iba pang stipend programs ng mga local government units na gumagamit ng kanilang pondo at bahagi ng kanilang Internal Revenue Allotment.

Imahe mula sa Facebook account ni Rep. Kristine Alexie Tutor

Sinabi ni Rep. Tutor na ang mga senior citizens na beneficiaries ng social pension program ng DSWD ay hindi na kabilang sa kanyang panukala.

Hinihiling din ng House Bill 7571 ang pagtatatag ng National Persons with Disability Registry na magsisilbing verified national database ng mga Pinoy PWDs sa bansa.

Loading…