“Jack of all trades” na sekyu, hinangaan ng mga netizens

  • Naispatan ng isang propesor ang sekyung maituturing na “Jack of all trades”
  • Bukod kasi sa task nito bilang security guard at pag-check sa temperatura ng mga customer na pumapasok sa coffee shop kung saan ito naglilingkod, ipinamalas din nito ang angking-husay sa pagdidisenyo at pagguhit
  • Nagmula ang terminong ito sa idyomang  “Jack of all trades, master of none” na tumutukoy sa isang taong maraming kasanayan, talento, o kakayahan subalit hindi nagpopokus sa isang bagay na maituturing na expertise o pagiging eksperto rito

Hindi napigilan ng isang propesor na humanga sa naispatang sekyu o security guard sa isang coffee shop sa Mandaluyong City na tinawag niyang “Jack of all trades” dahil sa pagiging multi-tasker at talented nito.

Ibinahagi sa Facebook post ni “Jamil Quiambao Carvajal” na isang propesor ang kuhang larawan ng sekyung si “Joebert Palomer” ng Starbucks Mandaluyong. Bumilib umano siya sa angking-husay ni Kuya Joebert, na kayang-kayang gawin ang kaniyang tungkulin bilang security guard at ipamalas ang talento sa pagdidisenyo at pagguhit.

Imahe mula sa Facebook account ni Jamil Carvajal

“Sobrang elibs ko kay Manong Guard. Jack of all trades eh. Taga-scan na ng temperature sa lobby, (heto ang gumulat sa akin) may skill din siya sa pagdidisenyo at pagguhit. Visual artist pa nga si Kuya Joebert Palomer! Idol kita Kuya Manong Guard. Share natin guys,” saad ng propesor.

Makikita sa kalakip na larawan na ang sekyu mismo ang gumuguhit ng display menu ng coffee shop.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

“Wow ang husay naman ni Kuya! Amazing talent!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Kudos sa iyo, Kuya Guard! Jack of all trades ka nga. Kaya lang, make sure na magbantay ka pa rin, kasi baka naman hindi mo na magawa ang task mo as security guard. Pero sa talent, sadyang kahanga-hanga!”

“Amazingly done! Ipagpatuloy mo lang iyan, Manong Guard!” wika naman ng isa.

Ang “Jack of all trades” ay nagmula sa idyoma sa wikang Ingles na “Jack of all trades, master of none” na tumutukoy sa isang taong maraming kasanayan, talento, o kakayahan subalit hindi nagpopokus sa isang bagay na maituturing na expertise o pagiging eksperto rito.

Public Domain Image

Ang mga taong Jack of all trades ay kayang pagsabay-sabayin o ipakita ang mga kasanayan, talento o kakayahan nang hindi nahihirapan.

Kudos sa iyo, manong guard! Ipagpatuloy mo lamang ang iyong angking-talento sa pagguhit.

Loading…