James Reid binisita ang mga farmers sa Nueva Ecija bilang Youth Ambassador for Food Security

Imahe mula sa DA
  • James Reid nagpakita ng suporta sa mga farmers sa Nueva Ecija
  • Pinangunahan ng aktor at DA ang pagbisita sa mga PAG-AHON project sites sa probinsya
  • Si James Reid ang Youth Ambassador for Food Security ng DA

Pinangunahan ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar at Youth Ambassador for Food Security na si James Reid ang pagbisita sa ilang project sites sa Nueva Ecija para sa programang “Sa Palay at Gulay – May Ani, Hanapbuhay, Oportunidad, at Nutrisyon” (PAG-AHON) noong September 23.

Imahe mula sa DA

Nagbigay pa ng maikling speech ang aktor para sa naturang event.

“I believe that the access to healthy, fresh food is a basic right that should be afforded by every Filipino. It’s our farmers and fisherfolks who are the ones protecting this right. They are the unsung heroes of our country, the backbone and heartbeat of the economy. I want to encourage all of us to support efforts and dedication of farmers and fisherfolks who work tirelessly to provide food we put on the table. Let us not take this for granted,” anang Filipino-Australian actor sa kanyang talumpati.

Ang PAG-AHON project ay sinimulan ng Philippine Rice Research Institute sa Lupao, Nueva Ecija noong May 21, 2020. Limampung farmer-beneficiaries ang sinanay sa vegetable production at farming technologies. Matagumpay silang nag-ani ng iba’t ibang mga gulay na itinanim sa kanilang mga bakuran.

Ang ilang larawan ng pagbisita nila sa mga project sites ay ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram account.

Imahe mula sa DA

“Been planting a lot of seeds. Wait till you see what grows! In Nueve Ecija for the launch of the PAG-AHON Program with Sec Dar. #letsgrow #plantplantplant,” post ni James Reid.

Matapos ang pagbisita sa PAG-AHON project sites ay tumuloy si James Reid kasama ang team ng DA sa Philippine Carabao Center na Muñoz, Nueva Ecija kung saan sila hinainan ng mga produkto mula sa gatas ng kalabaw kabilang ang fresh milk, choco milk at Milky bun.

 

Imahe mula sa DA

Loading…