Janella Salvador, nagdadalantao nga ba?

Imahe mula sa Instagram | Markus Paterson at Janella Salvador
  • Maugong ang usapan sa social media tungkol sa pagbubuntis ng aktres na si Janella Salvador
  • Nag-ugat ito sa trending na video kung saan maririnig si Janella na nagsabing muntik na siyang tumalon at hindi iyon maganda dahil bawal siyang tumalon
  • Kamakailan lamang ay isinapubliko ng aktres ang kaniyang relasyon kay Markus Paterson

Usap-usapan ngayon sa social media ang diumano’y pagdadalantao ng 22 anyos na aktres na si Janella Salvador.

Imahe mula sa Instagram| Markus Paterson

Ayon sa entertainment website na PEP, kinumpirma sa kanila ng isang source ang pagbubuntis ng aktres na nakatakda raw manganak sa Oktubre.

“Nakatakdang manganak si Janella sa Oktubre, sabi ng aming source na tumangging mapangalanan. Sinabi rin ng source na alam na ng piling malalapit na kaibigan ng aktres ang tungkol sa kaniyang kalagayan,” sabi ng PEP.

Kamakailan lamang ay isinapubliko ni Janella ang relasyon nila ni Markus Paterson sa pamamagitan ng isang larawan kung saan makikitang yakap niya ang nobyo. “The best hugs in the world from the best potato in the world,” sabi ni Janella sa caption.

Imahe mula sa Instagram | Janella Salvador

Agosto 2019 nang magsimula silang ma-link sa isa’t isa ngunit hindi nila kinumpirma ang kanilang relasyon.

Lalong umugong ang balitang ito matapos na mag-post ng Instagram story si Markus kung saan maririnig si Janella na nagsabing “Oh my gosh, I almost jumped, and that is not good. I’m not allowed to jump.”

Kumalat na rin ang video na ito sa social media.

Samantala, lumipad naman ang ina ni Janella na si Jenine Desiderio sa United Kingdom kung saan pinaniniwalaang manganganak ang aktres. Nag-post si Jenine ng larawan sa Instagram kasama ang anak na si Russell ngunit hindi niya sinabi kung saan siya pupunta.

Matapos ang ilang araw ay nag-post siya ng Facebook story kung saan makikitang naglalaro sina Markus at Russell.

Nanatiling tikom ang bibig ni Janella tungkol sa isyung ito. Kung totoo man, ang mahalaga ay masaya sila.

Loading…