Japan itinigil na ang paghahanap sa nawawalang crew ng lumubog na freighter ship

Imahe mula sa Malay Mail
  • Itinigil na ng Japan Coast Guard ang paghahanap sa mga nawawalang crew ng Gulf Livestock 1
  • Bumalik na umano sa normal na operasyon ang JCG dahil wala na silang matagpuang posibleng survivors simula noong Sabado pa
  • Tatlong crew lamang ang nahanap ng JCG at dalawa rito ay buhay at nailigtas

Inihinto na ng Japanese Coast Guard (JCG) ang ilang araw na paghahanap sa nawawalang crew ng Gulf Livestock 1 na lumubog sa karagatan malapit sa Amami Oshima island sa kasagsagan ng bagyong Maysak noong ika-2 ng Setyembre.

Ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes, bumalik na sa normal na patrol operation ang JCG matapos mabigong makahanap ng posibleng survivors pa mula sa lumubog na barko simula noong Setyembre 5.

Imahe mula sa japan Coast Guard

“The DFA joins the families and loved ones in continued prayers for the missing seafarers,” wika ng DFA.

Ang Gulf Livestock 1 ay mayroong sakay na 43 crew members; 39 dito ay mga Pinoy habang 4 naman ang banyaga.

BASAHIN: Isa pang Pinoy survivor sa lumubog na barko natagpuan; ligtas at kilala na

Hanggang noong Biyernes, tatlong crew lamang ang natagpuan ng JCG at dalawa sa mga ito ay buhay at ligtas na.

Unang natagpuan si Eduardo Sareno 45 anyos, isang chief officer noong Miyerkules ng gabi. Isa pang Pinoy na si Jay-Nel Rosales, 30 anyos at deck crew mula sa Cebu ang nailigtas makaraan ang dalawang araw.

Capt. Sareno| Imahe mula sa LA Times

Samantala, isa pang crew din ang nakitang palutang-lutang at walang malay na kinalaunan ay binawian rin ng buhay. Walang pang pagkakakilanlan ang sinawimpalad na crew na pinaniniwalaang isa ring Filipino.

Tiniyak naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang tulong ng pamahalaan para sa pamilya ng mga survivors at nawawalng tripulanteng Pinoy.

Loading…