Jay Sonza humingi ng paumanhin sa ikinalat na ‘fake news’

Imahe mula sa Instagram | Gerald Anderson at Facebook | Jay Sonza
  • Humingi ng paumanhin si Jay Sonza sa ipinakalat na maling balita na diumano ay nagdadalantao si Julia Barretto
  • Tinawag na fake news ng kampo nina Julia at Gerald Anderson ang impormasyong ito
  • Maging ang mga magulang ni Julia ay itinanggi ito

Binabawi na raw ng dating brodkaster na si Jay Sonza ang kaniyang pagbati kina Julia Barretto at Gerald Anderson matapos tawagin ng dalawa na fake news ang ikinalat niya impormasyon na nagdadalantao ang aktres.

Imahe mula sa Instagram | Julia Barretto

“May umamin kasi kaya nagalak ako. Kung ganoon po, binabawi ko ang aking masayang pagbati. Happy and excited kasi ako kapag may nabibiyayaan ng buhay,” sabi niya sa isang Facebook post.

“Pasensiya na kung napaaga ang aking congratulations. Itatabi ko na lang muna iyong regalo ko sa kanila.”

Ginulat ni Jay ang social media nang i-anunsyo niya ang pagbubuntis umano ni Julia sa anak nila ni Gerald.

“Break muna tayo sa mga kuwentong Manila Bay beach front, PhilHealth nakawan, COVID-19 controversies, unjustified DepEd budget… Dito muna tayo sa mga balitang may katotohanan, may pag-iibigan, may pinagsaluhang nakakapanginig ng laman, at higit sa lahat, nagbunga,” ani Jay sa isang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook | Jay Sonza

“Napatunayan nina Visoy (Visayan Tisoy) Gerald Anderson at anak nina Dennis Padilla at Marjorie na si Julia Barretto na kapwa sila hindi baog.”

Matapos daw ang ilang buwang lockdown ay may nabuong bata sa sinapupunan ng Julia.

Itinanggi na ito ng ina ni Julia na si Marjorie Barretto habang tinawag naman itong fake news nina Gerald at Julia, na nag-post pa ng larawan na makikita ang kaniyang flat na tiyan.

Samantala, sa panayam ng ABS-CBN sa ama ni Julia na si Dennis Padilla, sinabi nitong kung totoo ang chismis ay anak niya mismo ang magsasabi nito sa kaniya. Ngunit narinig niya lamang daw ito mula sa co-star sa isang pelikula.

“Sabi ko hindi siguro dahil kung totoo iyan, magte-text din naman sa akin ‘yan na ‘Papa I’m pregnant.’ Wala eh. Tapos nakita ko nga ‘yong litrato ni Julia sa Instagram niya. Fake news talaga,” aniya.

Loading…