John Lloyd Cruz, magbabalik telebisyon at pelikula na?

Image by John Lloyd Cruz via Instagram
  • John Lloyd Cruz nagkaroon umano ng pag-uusap kasama si Albee Benitez para sa kanyang pagbabalik showbiz
  • Kasama raw sa napagkasunduan ang paggawa niya ng mga pelikula
  • Matagal ding hindi napanood si John Lloyd sa TV makaraang piliin ang pribadong buhay noong 2017

Makaraang ang ilang taong pamamahinga mula sa entertainment industry at pagpili sa pribadong buhay ay nakaplano na umano ang pagbabalik-telebisyon at pelikula ng pamosong aktor na si John Lloyd Cruz. Ito ang ibinahagi ng showbiz reporter na si Jojo Gabinete sa kanyang Cabinet Files sa PEP kamakailan.

Image by John Lloyd Cruz via Instagram

Pahayag ni Gabinete, reportedly ay nagkaroon na ng pag-uusap sa pagitan ng kampo ni John Lloyd at ni former Negros Occidental Congressman Albee Benitez, na nakatakdang magprodyus ng mga blocktime programs sa TV5.

Hindi lamang TV show ang aasahan sa aktor dahil kasama rin daw sa napagkasunduan sakaling bumalik siya sa showbiz ang paggawa niya ng mga pelikula.

Matatandaang nagsimula ang magandang karera ng aktor sa ABS-CBN soap na Tabing Ilog kasama si Kaye Abad na tumagal ng nasa limang taon; makaraan nito ay naging sunod-sunod na ang mga proyektong ibinibigay kay John Lloyd.

Kaya lamang ay nagdesisyon siyang iwan muna ang entertainment industry noong 2017 para magkaroon ng pribadong buhay kasama ang aktres na si Ellen Adarna. Huli siyang napanood sa Kapamilya shows na La Luna Sangre at Home Sweetie Home.

Ilang Kapamilya stars mapapanood na sa TV5 via blocktime deal

Sakali mang tuloy na ito, isa siya sa ilang former ABS-CBN stars na mapapanood sa TV5 sa ilalim ng blocktime deal sa pagitan ng TV5 at Brightlight Productions ni Benitez.

Imahe mula sa TV5

Ilan pa sa mga mapapanood ay sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, K Brosas at Wacky Kiray para sa noontime show na Laugh Out Loud; sina Ian Veneracion, Dimples Romana, Sue Ramirez, Ariel Urieta at Gloria Diaz para sa Oh My Dad.

Pakaabangan din sa TV5 sina Beauty Gonzales, RK Bagatsing, Yen Santos, Piolo Pascual, Catriona Gray at Korina Sanchez.

Mga imahe mula sa Facebook

Loading…