Kaparusahan sa pambabato ng mga sasakyan hanggang 25 taong pagkakapiit

Imahe mula sa Philippines Now
  • Inaprubahan ng House Committee on Justice ang committee report ng House Bill 2946 na naglalayong patawan ng mabigat na parusa ang mga nambabato ng mga sasakyan
  • Mula isang taon hanggang 25 taong pagkakapiit ang kahaharapin ng mapatutunayang nagkasala
  • Suportado ng LTO at PNP ang panukala

Aprubado na sa House Committee on Justice ang committee report para sa House Bill 2946 na naglalayong patawan ng mabigat na kaparusahan ang mga taong mambabato sa mga nagdaraan o nakahimpil na sasakyan sa mga lansangan.

Imahe mula sa CarmudiPH

Sa ilalim ng panukalang batas na ang author ay sina Representative Ria Christina Fariñas  ng 1st District, Ilocos Norte at Representative Rudys Caesar Fariñas I ng Probinsyano Ako Partylist, ay parurusahan ang sinumang maghahagis ng mga matitigas na bagay gaya ng bato, kahoy at bote sa tumatakbo o nakahimpil na mga sasakyan na magdudulot ng kapahamakan sa behikulo, driver at mga pasahero nito.

Parurusahan din ang mga taong mapatutunayang naghagis ng itlog o kaya ay dumi ng tao sa windshield ng mga sasakyan na magreresulta sa paglabo nito na makaiistorbo at delikado sa pagmamaneho ng driver.

Ang panukala ay suportado ng Land Transportation Office (LTO) at ng Philippine National Police (PNP).

Inirekomenda ng LTO na isama sa parusa ang rebokasyon ng driver’s license ng mga taong mapatutunayang nambato ng sasakyan sakaling sila ay mga driver din.

Imahe mula sa Snopes

Papatawan ng isang taong pagkakapiit at multang P10,000 kung ang pambabato ay nagresulta sa pinsala sa sasakyan. Dapat ding sagutin ng akusado ang magagastos sa pagpapakumpuni ng pinsala.

Kapag nagresulta sa physical injury ang pambabato ay limang taong pagkakapiit at multang P15,000 ang kahaharapin ng akusado bukod pa sa magagastos sa pagpapagamot at therapy ng biktima.

Ipapataw ang pinakamabigat na parusang 25 taong pagkakabilanggo at multang P100,000 kapag may nasawi sa pambabatong ginawa.

“By penalizing the act of throwing stones and hard objects at vehicles and providing stiff penalties for the crime, people will be forewarned of the consequences of such crime thereby serving as deterrent to future wrongdoers,” ayon sa explanatory note ng bill authors.

Imahe mula sa Citizen Express

Ayon sa awtor ng panukala, kalimitang magaan na kasong malicious mischief ang isinasampa ng PNP sa mga nambabato ng mga sasakyan. Kadalasan pa nga raw ay hindi naparurusahan ang mga ito kaya namimihasa at tila ginagawa na lang libangan ang pambabato.

Source :

Philstar, ABS-CBN

Loading…