Kapatid na lalaki napaluha sa tuwa dahil sa bonggang regalo ni Ivana

Screenshot mula sa vlog ni Ivana Alawi
  • Bongga ang surpresa ni Ivana Alawi sa kapatid niyang lalaki na si Hashim
  • Isang lote ang regalo niya sa kapatid
  • Noong una ay inakala ni Hash na prank lang ang surpresa at naging emosyonal siya nang malamang hindi iyon biro

Napaiyak ni Ivana Alawi ang kapatid niyang lalaki na si Hashim dahil sa surpresang ibinigay niya. Isang bakanteng lote na maaaring pagtayuan ni Hash ng sariling bahay ang regalo ng aktres.

Screenshot mula sa vlog ni Ivana Alawi

Sa vlog niya noong September 15, sinabi ni Ivana na walang hilig sa mga mamahaling bagay ang kapatid kaya isang praktikal na regalo ang naisip niya.

“Si Brother, ayaw niya ng mga Rolex, ayaw niya ng mga bag. Ayaw niya iyong mga ganun kasi simpleng tao lang siya, e, hindi raw niya laging isinusuot,” sabi ng aktres sa vlog.

Pasikreto lang ang pagbili niya sa lote. Noong araw ng pag-vlog niya nakumpleto ang mga dokumento ng ari-arian kaya pinagplanuhan niyang surpresahin ang kapatid. Alam ng nanay nilang si Fatima at ng bunsong kapatid na child actress na si Mona Alawi ang surpresa.

Ang lote na regalo sa kapatid ay nasa loob ng parehong subdivision kung saan ipatatayo ni Ivana ang dream house ng ina.

Ang buong akala ni Hash ay binisita lang nila ang loteng binili ni Ivana para sa nanay nila. Ang hindi niya alam ay susurpresahin na pala siya ng kapatid.

Screenshot mula sa vlog ni Ivana Alawi

Umikot pa sila sa subdivision dahil nagkunwari si Ivana na may bibisitahin pang lugar. Pinahinto ng aktres ang sinasakyan nila, na si Hash ang nagmamaneho, sa tapat ng isang bakanteng lote at bumaba sila.

Hawak ng aktres ang isang attaché case. Hindi alam ni Hash na ang titulo ng lote ang laman niyon.

Nang isiwalat na ni Ivana ang katotohanan, inakala pa ni Hash na isang prank iyon. Pero nang malamang hindi nagbibiro ang kapatid ay naging emosyonal siya.

“Tears of joy,” sabi ni Hash nang tanungin ni Ivana kung bakit siya umiiyak.

Ayon pa kay Ivana, ibibili rin niya ng lote sa naturang subdivision ang kapatid na si Mona.

I-click ang larawan sa ibaba para mapanood ang vlog ni Ivana:

Screenshot mula sa vlog ni Ivana Alawi
Source :

YouTube

Loading…