Karen Davila wala pang planong iwan ang Kapamilya Network

Image by Karen Davila via Facebook
  • Karen Davila wala pang planong lumipat sa ibang istasyon
  • Aniya, mayroon pa siyang trabaho sa ABS-CBN News Channel program na Headstart
  • Ito’y sa kabila ng ilang kasamahan sa ABS-CBN na nagsisilipatan sa ibang TV station

Sa kabila ng ilang TV personalities na nagsisilipatan mula sa Kapamilya Network patungong ibang istasyon makaraang hindi nabigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN, walang plano ang beteranang mamamahayag na si Karen Davila na lumipat.

Image by Karen Davila via Facebook

“I don’t know what the future may hold, but I know who holds my future. Mornings in the studio with #ANCHeadstart. Always something to be grateful for,” aniya sa isang Instagram post.

Saad nito, mayroon pa siyang trabaho bilang host ng ABS-CBN News Channel program na Headstart.

Nakiusap din siya sa mga mamamayan na huwag husgahan ang mga kasamahang lumipat na sa ibang istasyon.

Aniya, “May trabaho pa naman ako sa Headstart. But please let us not think badly of anyone who has transferred. We all need to work and grow professionally.

“Kailangan po natin lahat na magtrabaho. Bilog ang mundo, pagdating ng tamang panahon, magkikita-kita rin lahat.”

Matatandaang naging paksa ng mga usap-usapan sa social media na lilipat si Davila makaraan siyang mag-guest sa isang episode ng Usapang Real Life, ang bagong programa ni Luchi Cruz-Valdez sa TV5.

Samantala, pumirma kamakailan ang mamamahayag na si Ted Failon sa TV5 para sa isang radio program sa Radyo Singko 92.3. Parehong naging bahagi sina Failon at Davila ng longest-running news program sa bansa na TV Patrol.

Broadcast frequencies ng ABS-CBN TV at radio stations binawi na ng NTC

Naglabas nitong Huwebes ang National Telecommunications Office (NTC) ng desisyon para bawiin ang lahat ng broadcast frequencies na naka-assign sa mga TV at radio stations ng ABS-CBN.

Image from The Market Monitor

Ayon sa NTC, “The denial of respondent’s franchise renewal application by Congress, coupled with the denial of respondent’s petition by the Supreme Court, lead to no other conclusion except that respondent had already lost the privilege of installing, operating, and maintaining radio broadcasting stations in the country.

“Consequentially, absent a valid legislative franchise, the recall of the frequencies assigned to respondent is warranted.”

Imahe mula sa ABS-CBN

Loading…