Kaso ng COVID sa bansa posibleng pumalo sa 410,000 sa katapusan ng Oktubre – Research group

Screenshot mula sa ABS-CBN News
  • Posible umanong sumampa sa mahigit 400,000 ang kaso ng COVID sa bansa hanggang October 31
  • Ito ang lumabas sa pag-aaral ng mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP)
  • Isang magandang senyales naman umano ang patuloy na ‘downward trend’ ng kaso

Sa kabila ng patuloy na pagbaba ng daily cases ng COVID-19 sa Pilipinas, posible pa rin umanong pumalo ang bilang nito sa mahigit 400,000 sa katapusan ng Oktubre; ito ay ayon sa pag-aaral ng Octa Research Team ng University of the Philippines (UP).

Isa umanong magandang senyales ang kasalukuyang downward trend ng coronavirus cases sa bansa dahil bumaba ito ng halos 50% kumpara noong nakaraang limang linggo; patunay lamang na nasa tamang direksyon ang ginagawang hakbang ng gobyerno.

Screenshot mula sa ABS-CBN News

Gayunpaman, posible pa rin umanong umakyat sa 380,000 hanggang 410,000 ang bilang ng kaso ng COVID base sa kasalukuyang numero.

“Using the current reproduction number for the Philippines, this projects to 380,000 to 410,000 total cases by October 31,” ayon sa research team.

Dahil dito, iminumungkahi ng grupo na palawigin pa ang general community quarantine (GCQ) status sa NCR at isa iba pang lugar na may malalaking bilang ng kaso.

“The national government must sustain the GCQ status in the NCR coupled with further improvements in its testing, tracing and isolation programs not just to sustain the gains of the last MECQ but to also prevent a surge, especially around Christmas time,” ayon sa report ng Octa.

Screenshot mula sa DOH

Samantala, ibinahagi naman ni Parañaque Mayor at Metro Manila Council chairman Edwin Olivarez na posibleng palawigin pa hanggang Oktubre 31 ang GCQ sa Metro Manila. Ito umano ang napagkasunduan nila ng mga alkalde sa NCR.

Base sa datos ng DOH, sumampa na sa 304,226 ang bilang ng kaso ng coronavirus sa bansa hanggang nitong Linggo, Setyembre 27; 46, 372 rito ay active cases habang 2522,510 naman ang gumaling sa sakit.

Loading…