Kaso sa Chinese officers at vessel na bumangga sa PH fishing boat dismissed na dahil sa areglo

Imahe mula sa PCG
  • Chinese vessel at crew nito na nakabangga sa PH fishing boat pinayagan nang makaalis ng bansa mapatos i-dismiss ng Provincial Prosecutor’s Office ng Occidental Mindoro ang kaso sa kanila
  • Naniniwala ang PCG na may kinalaman ang aregluhan sa pagitan ng shipping company at pamilya ng mga biktima sa pagkaka-dismiss ng kaso
  • Hindi bababa sa P1 million ang matatanggap ng pamilya ng bawat missing Pinoy crew ng F/V Liberty 5 fishing boat

Pinayagan nang makaalis ng bansa ang Hong Kong-flagged vessel na M/V Vienna Wood na nakabangga sa Philippine fishing boat matapos ma-dismiss ang mga ikinaso at hold departure order laban sa mga crew at officers nito.

Screenshot mula sa GMA video

Matatandaang nabangga ng M/V Vienna Wood ang Liberty 5 fishing vessel ng Irma Fishing and Trading Inc. sa karagatan sa Mamburao, Occidental Mindoro noong June 27. Hindi na natagpuan ang 14 na crew  ng Pinoy fishing boat.

Isiniwalat ni Philippine Coast Guard spokesman Commodore Armand Balilo na noon pang September 17 pinayagang makaalis ang M/V Vienna Wood at crew nito kabilang ang mga officers na sina Zhang Weiwei, Shin Bin, Yi Lei at Yang Xileng.

Bagama’t wala siyang hawak na  kopya ng desisyon ng Provincial Prosecutor’s Office ng Occidental Mindoro, naniniwala si Comm. Balilo na may kinalaman sa pag-dismiss ng kaso ang naganap na aregluhan sa pagitan ng Nomikos Transworld Maritime na may-ari ng M/V Vienna Wood at Irma Fishing and Trading Inc., ang may-ari ng Pinoy fishing boat.

Screenshot mula sa GMA video

Noong nakaraang buwan, sinabi ng mga kaanak ng mga missing Pinoy crew ng Liberty 5 na nagulat na lang sila nang makipag-areglo ang IFTI sa may-ari ng M/V Vienna Wood sa halagang P40 million. Dahil nakipag-areglo na ang fishing company ay bahala na ang mga kaanak ng mga biktima kung itutuloy ang reklamo laban sa Nomikos Transworld Maritime.

Dahil sa salat sa kakayahang pinansyal para magsampa ng demanda, lalo na ngayong panahon ng pandemya, napilitan ang mga kaanak na tanggapin na lang ang halagang alok ng kumpanya.

Sinabi umano ng abogado ng IFTI na hindi bababa sa isang milyong piso ang matatanggap ng pamilya ng mga nawawalang crew. Mas bata ang edad ng crew, mas malaki ang matatanggap. Isa sa mga pamilya ng mga biktima ay tumanggap ng P2.2 milllion at ang isa naman ay P1.8 million.

Imahe mula sa Irma Fishing and Trading Inc.

Loading…