KathNiel, Angelica, Julia tampok sa new shows ng franchise-less ABS-CBN

Image capture from video by Direk Lauren Dyogi via YouTube
  • Tuloy-tuloy ang paggawa ng ABS-CBN ng mga bagong proyekto
  • Kabilang na rito ang teleserye na pagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla
  • Ani ng ABS-CBN head, tanging ABS-CBN lamang ang media company sa bansa na naglalabas ng fresh episodes ng lahat ng mga current shows nito

Kahit na walang prangkisa ay tuloy-tuloy pa rin ang paggawa ng ABS-CBN ng mga bagong teleserye, talk show, digital shows, kanta at iba pa para sa mga mamamayang Pilipino; kabilang na rito ang panibagong soap na pagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel).

Wika ni ABS-CBN Head of TV Entertainment Laurenti Dyogi, pakaabangan din ng mga manonood ang Walang Hanggang Paalam nina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, Paulo Avelio, Jake Cuenca at Arci Munoz; maging ang Cara Y Cruz na pagbibidahan ni Julia Barretto.

Ani ni Dyogi, sa gitna ng pandemya at kawalan ng prangkisa ay hindi sila tumigil sa pag-produce ng mga programa bilang pagtugon sa pangangailangan ng madla ng fresh content para ma-energize at ma-motivate sa mapanghamong panahon.

“We also want to help the economy and produce programs so we can provide jobs to workers and artists.”

Sinabi pa ng ABS-CBN head na tanging ABS-CBN lamang ang media company sa bansa na naglalabas ng fresh episodes ng lahat ng mga current shows nito kagaya ng FPJ’s Ang Probinsyano, Love Thy Woman, A Soldier’s Heart, Ang Sa Iyo Ay Akin, Paano Kita Mapasasalamatan, Iba ‘Yan, It’s Showtime at ASAP Natin ‘To.

Sinabi nito na tuloy din ang paggawa ng ABS-CBN Films ng mga proyekto kagaya ng Hello Stranger (movie version), Ask Angelica, Praybeyt Benjamin (third installment), Four Sisters Before the Wedding, at For the Love of Money.

Image capture from video by Direk Lauren Dyogi via YouTube

Naglabas din umano sila ng mga digital shows na napapanood sa mga social streaming sites kagaya ng Hello Stranger, at Listen To Love: The Four Bad Boys and Me.

Marami pa umanong mga palabas ang ihahain ng iWant TFC streaming service, maging ang mga ABS-CBN shows sa Kumu app, at mga kanta sa ilalim ng ABS-CBN Music.

Panoorin ang buong pahayag ni Laurenti Dyogi:

Loading…