Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, magpapakasal na ba?

Imahe mula sa Instagram | Karla Estrada at Min Bernardo
  • Marami ang nag-uusisa kung mauuwi na ba sa kasalan ang reel at real-life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla
  • Ito ay matapos na kapwa magbahagi ng wedding clues ang kanilang mga ina
  • Samantala, may fans naman na nagsabing tungkol sa nilulutong sitcom ng KathNiel ang posts nina Karla Estrada at Min Bernardo

Ikakasal na nga ba sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla?

Imahe mula sa Instagram | Daniel Padilla

Ito ang naging tanong ng maraming netizens matapos na magkasunod na mag-post ang mga ina ng KathNiel ng ilang pahaging tungkol dito sa Instagram.

Unang nag-post ang mommy ni Kathryn na si Min Bernardo ng close up photo ng isang wedding dress. May caption itong K(engagement ring)N, na palagay ng fans ay para sa initials ng tambalang KathNiel.

Matapos ang isang araw ay nag-post din ang Momshie Karla Estrada ni Daniel ng larawan ng mga puting sobra na tila mga imbitasyon. Pareho ang caption niya ng kay Min.

Binulabog ng fans ang comment section ng kanilang post at nagtanong kung ikakasal na ba ang real-life couple.

“Wedding invitation po ba ‘yan?” tanong ng isang Instagram user sa post ni Karla.

Imahe mula sa Instagram | Daniel Padilla

“Yesterday si Tita Min. Now it’s Momshie Karla’s turn. We rejoice in the grace of God. Okay na kung ano mang ibig ipahiwatig niyan basta KathNiel lang hanggang sa dulo ng walang hanggan, support ko sila,” sabi naman ni Ceclora.

Sang-ayon dito ang isa pang nag-comment na nagsabing masaya siya kung may kasalan mang magaganap ngunit sa ngayon ay “kakain muna ako ng maraming hopia.”

Samantala, ang ilang fans naman ay mabilis na nilinaw na maaaring promo lamang ito para sa upcoming sitcom ng KathNiel. Anila, masaya sila dahil mukhang maglelevel up na ang role ng dalawa bilang mag-asawa.

Unang naging maugong ang haka-haka tungkol nsa kasalang Kathryn at Daniel nang mag-post si Karla ng video ng beach na may caption na “Soon…” noong Mayo.

Sinabi naman noon sa isang ulat sa Philippine Star na “there is no wedding happening anytime soon between Kathryn and Daniel.”

Loading…