Kim Chiu nagbigay ng tip kung paano maging fashionable kahit may face mask

  • Wala umanong masama kung maging fashionable kahit na sumusunod sa health protocol na pagsusuot ng face mask
  • Kaya naman nagbigay ng tip ang Kapamilya actress na si Kim Chiu kung paano maa-achieve ang pagiging fashionista sa panahon ng pandemya’
  • Ibinahagi niya ang tip ng paglalagay ng fashionable scarf sa kaniyang mukha upang matakpan ang face mask

Nagbigay ng tip ang Kapamilya actress na si Kim Chiu kung paano pa rin maging fashionable kahit na nakasuot ng face mask upang maprotektahan ang sarili at kapwa mula sa bagsik ng COVID-19, na hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa.

Makikita sa kaniyang Instagram post ang kaniyang mga larawang nakasuot ng fashionable scarf upang matakpan umano ang suot niyang face mask. Bukod dito, maaari pa itong gamiting panali sa buhok o pony tail.

Imahe mula sa Facebook account ni Kim Chiu

“Everyday is a new day. Get a new perspective. Whatever obstacle you’re facing. It’s not permanent. Keep going. You can stop for a while but keep going!” panimula ng post ni Kim. Pagkatapos, ibinahagi niya ang tip ng paglalagay ng scarf sa kaniyang mukha.

“I used my scarf to cover my mask, just to add a little fashion on my top—quick errand day. Stay safe everyone,” aniya.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“Bakit pag kay Kim ang gandang tingnan, fashion na fashion. Pag siguro ako gumawa niyan baka mukha akong holdaper. Hahahahaha,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “To be completely honest, Kim Chiu is not annoying. I’m okay with her. Keep going, Kim! Huwag mong intindihin ang mga walang magawa. Ganiyan talaga ang mga taong kuda nang kuda tapos wala naman palang nagagawa para sa kaniyang kapwa.”

“No need of fashionable face mask in this time of pandemic, what’s important is to follow personal hygiene protocol and not pasikat,” saad naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Kim Chiu/ Public Domain Image

“Puro puna sa tao. Sana mag-comment naman tayo nang maganda.. parang puro na lang galit ang namumutawi sa mga tao. Let us be happy na lang kay Kim Chiu kasi at least good vibes ang dulot niya sa marami.”

Matatandaang naging kontrobersyal si Kim Chiu sa panahon ng Enhanced Community Quarantine at kasagsagan ng isyu hinggil sa ABS-CBN, dahil sa kaniyang “Bawal-Lumabas-Sa-Classroom-Dahil-May-Batas” na hindi naglaon ay napakinabangan naman niya dahil naging isang ganap na awitin.

Source :

Instagram, News 5

Loading…