Kimpoy Feliciano ibinahagi ang pag-uusap nila ni Lloyd Cadena hinggil sa mga pangarap nito

  • Ibinahagi ni Kimpoy Feliciano ang conversation thread nila ni Lloyd Cadena sa pag-uusap nila sa kani-kanilang mga pangarap
  • Gusto palang mag-aral ni Lloyd ng dentistry pagkatapos ng ECQ dahil matagal na niyang pangarap na maging dentista
  • Kinilabutan naman ang mga netizens sa ilang mga detalye sa kanilang kumbersasyon dahil tila nagpapahiwatig na raw ang Pinoy vlogger sa nalalapit nitong pamamaalam sa daigdig, o tinatawag na premonition

Isa sa mga nalungkot sa biglaan at maagang pagkawala ng sikat na Pinoy vlogger at social media influencer na si Lloyd Cafe Cadena ay si Kimpoy Feliciano, isa ring sikat na YouTuber at social media star na lumalabas na rin sa mga TV shows bilang artista.

Bilang testimonya kung gaano kabuti ang kalooban ng kaibigang vlogger, ibinahagi ni Kimpoy sa kaniyang Facebook post ang naging usapan nila ni Lloyd sa Facebook Messenger kung saan pinag-usapan nila ang kani-kanilang mga pangarap.

Imahe mula sa Facebook account ni Kimpoy Feliciano

Ibinuking ni Kimpoy na pangarap pala ni Lloyd na maging isang dentista o espesyalista para sa mga ngipin at oral hygiene. Mababanaag sa kanilang pag-uusap ang premonition ni Lloyd na “maiksi lamang ang buhay.”

“Lloyd wanted to be a dentist after ECQ. Ako naman, sabi ko sa kanya isasakay ko siya kapag naging piloto ako.
Maiksi lang ang buhay, search for your purpose,” ani Kimpoy, na nagmula mismo kay Lloyd.

Mababasa sa conversation thread nina Kimpoy at Lloyd na pangarap pala ng huli na maging dentista. Balak niya umanong mag-aral ng dentistry pagkatapos ng ECQ. Kinilabutan ang mga netizens sa sinabi ni Lloyd na “Aral tayo! Mag-eenrol ako if ever na buhay pa ako after ECQ.”

Pabiro din niyang sinagot ang pag-aya sa kaniya ni Kimpoy na isasakay siya nito sa flight nito kapag piloto na siya. Tugon ni Lloyd, “Gooo… ilipad mo ako sa langit.”

Nitong Setyembre 4, 2020 ay nagluksa ang online world sa biglaang pagkawala ni Lloyd sa hindi pa makompirmang kadahilanan. Marami sa mga kasamahan at kaibigan sa mundo ng vlogging ang nagpahayag ng kanilang pagkalungkot, kabilang na ang kaibigang si “Macoy Dubs” na sumisikat ngayon bilang si Auntie Julie.

Imahe mula sa Facebook account ni Kimpoy Feliciano / Public Domain Image

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens at followers ni Lloyd hinggil sa pagbubunyag ni Kimpoy.

“Goosebumps! Totoo nga ang sabi ng iba, kapag malapit ka na mawala mararamdaman mo at may pagpapahiwatig na rin,” turan ng isa.

Sabi naman ng isa, “Gusto ko matawa sa sinabi niya kasi ini-imagine ko yung voice niya na siya mismo nagsasalita.
Kaso nakakalungkot talaga…”

“I’m sure tutuparin niya ‘yang pagiging dentista niya… Sa second life niya magiging dentista siya, and I’m sure kahit nasa ibang katawang tao man na siya niyon, I’m sure yung personality niya, pananaw sa buhay at ang kabutihang taglay ay mananatali,” sambit naman ng isa.

Bago pa man tuluyang mamaalam sa mundo, natupad niya ang isang malaking pangarap niya para sa kaniyang pamilya- ang maipatayo niya ang malaking bahay para sa kaniyang ina.

Rest in peace, Lloyd! Mananatili ka sa aming isipan.

Public Domain Image

Loading…