Korina itinangging na-retrench siya sa ABS-CBN: “I was able to get a generous package 3 years ago”

Image by Korina Sanchez via Instagram
  • Itinanggi ni Korina Sanchez na na-retrench siya sa Kapamilya network
  • Ang totoo daw ay nakatanggap siya ng retirement package tatlong taon na ang nakararaan
  • Nakiusap lamang umano siya na i-take over niya ang Facebook page ng “Rated K’ at i-finance ang production nito

Pinasinungalingan ni Korina Sanchez ang balita tungkol sa pagkakabilang sa mga empleyadong na-retrench sa ABS-CBN matapos mabigo ang Kapamilya network na makakuha ng panibagong prangkisa mula sa Kamara.

Sa kaniyang online guesting sa “Tim Yap Live,” ibinahagi ng beteranang broadcast journalist na hindi siya tinanggal sa ABS-CBN; bagkus ay nakatanggap umano siya ng magandang retirement package tatlong taon na ang nakararaan mula kay Gabby Lopez.

Screenshot mula sa YT video ng Philstar

“First of all I wasn’t retrenched, contrary to some of the headlines. No, I wasn’t retrenched because I was able to negotiate a really good retirement package with Mr. Gabby Lopez three years ago,” paglilinaw ng misis ni Mar Roxas.

“I was able to get a really generous package three years ago, so hindi na nila ko pwedeng i-retrench kasi nakapag-retire na ako three years ago,” giit pa nito.

BASAHIN: Si Korina nga ba ang ipinalit sa naunsyaming programa ni Kris sa TV 5?

Ginawa ni Korina ang pagtatama ng balita matapos mapaulat noong Hulyo na isa siya sa mga naunang natanggal sa ABS-CBN kasama ang isa pang batikang host na si Ces Drilon.

Mistulang kinumpirma pa niya ito sa isang Instagram post nang sabihing, “You’re hearing it correctly, so far, I guess. It is a bloodbath. This family is slowly but surely being torn apart. We are called one by one, personally, to be told that we are ‘discontinued.’”

Screenshot ng Instagram ni Korina Sanchez

Sa naging kapalaran naman ng staff ng kaniyang ‘Rated K’ program, sinabi ni Korina na nakiusap umano siya kay Ging Reyes, ang chief ng news bureau, na i-takeover na lang nila ang Facebook page nito na mayroong ilang milyong followers at sila na ang mag-finance ng production.

Ito raw ang dahilan kung bakit patuloy pa ring napapanood ang ‘Rated K’ o Rated Korina kada Linggo.

Hindi naman kinumpirma ni Korina kung totoo ngang lilipat na siya sa TV5 sa kabila ng mga usap-usapang kumakalat sa social media. Napaulat pa nga na naunsiyami ang TV comeback ni Kris Aquino sa Kapatid network dahil mas pinaboran umano si Korina Sanchez ng producer kaysa sa “Queen of All Media’.

Loading…