Korina Sanchez sumagot sa kumukuwestiyon sa legitimacy ng mga anak: “Magnega kayo hanggang gusto ninyo”

Image by Korina Sanchez via Instagram
  • Korina Sanchez sumagot sa kumukuwestiyon sa legitimacy ng kambal na anak nila ni Mar Roxas
  • Korina: “Alam mo na, ‘yung mga naghihinala ng mga kung ano-ano. Baka binili ko lang sa supermarket…..”
  • Ayaw umano niyang pumatol sa mga nega sa social media pero naaapektuhan na kapag anak ang pinag-uusapan

Sumagot ang beteranang mamamahayag na si Korina Sanchez sa mga kumukuwestiyon sa legitimacy ng kambal na anak (Pepe at Pilar) nila ni dating DILG Secretary Mar Roxas na naging posible sa pamamagitan ng surrogacy sa US.

Image by Korina Sanchez via Instagram

Aniya sa episode ng Gabing Gabi na Vice, “Alam mo, ayaw nila maniwala na anak ko si Pepe. Alam mo na, ‘yung mga naghihinala ng mga kung ano-ano. Baka binili ko lang sa supermarket ang mga fetus. May mga ganiyan.”

Ani Korina, hangga’t maaari ay ayaw niyang patulan ang mga nega sa social media pero naaapektuhan siya kapag ang mga anak na niya ang pinag-uusapan.

“Sabi ko, magnega kayo hanggang gusto niyo. Basta ako masaya. Goodbye. Bruha please leave.”

Pahayag niya, ikinukumpara niya sa “tawas” ang kambal dahil sila ang nagtatanggal sa mga negatibo sa kanyang buhay.

“Oo, ang tawag ko sa kanila tawas. Tawas sa nega ng buhay. Pilar, masama ang mood ko. Gumaganda ang mood.

“Tapos si Pepe, kapag lumapit sa ‘yo, mapungay ang mata. Sabi niya sa akin, alam mo ang tawag sa akin ni Pepe, Ma’am. ‘Yan ang tawag ng yaya niya sa akin. Titingin lang siya sa akin at ngingiti. Hay naku, nawala na lahat ng problema at pagod ko. Ganu’n talaga.”

Image by Korina Sanchez via Instagram

Dagdag pa nito, “powerful medium” ang social media kaya’t dapat gamitin para mag-spread ng positivity kaysa lungkot at nega. “Ang decision ko sa online, gusto ko lahat positive lang.”

God made this happen”: Korina Sanchez shares surrogacy journey to have twin babies

Matatandaang nasabi ni Korina noon na nagdesisyon sila ng asawang si Mar na gumamit ng “technology” para magkaanak yamang pareho na silang may-edad at mukhang imposible na sa natural na pamamaraan.

Matagal na proseso din ang pinagdaanan nila at kinailangang magpabalik-balik sa US hanggang sa mabuo ang kambal.

Abot langit ang pasasalamat nila nang naganap ito, “God made this happen, so God will provide.”

Image by Korina Sanchez via Instagram

Loading…