Kris nakahinga nang maluwag matapos nilang magnegatibo ni Bimby sa COVID

Imahe mula sa Instagram ni Kris Aquino
  • Nagnegatibo sa COVID si Kris Aquino at ang bunsong anak na si Bimby
  • Malaki ang pasasalamat ni Kris dahil pareho silang ‘high risk individual’
  • Kinumpirma rin ng actress-TV host na hindi na mangyayari ang kaniyang TV comeback

Malaki ang pasasalamat ni Kris Aquino matapos magnegatibo sa COVID-19 ang test results nila ng kaniyang anak na si Bimby.

Sa kaniyang update sa social media, ibinahagi ni Kris na nabahala siya matapos nilang makasalamuha ang apat na tao na kapwa nagpositibo sa coronavirus. Bagama’t tatlo umano sa mga ito ay gumaling na, ang isa ay patuloy pang nakikipaglaban sa virus.

Imahe mula sa Facebook ni Kris

“We all got the swab test August 15, Kuya Josh was thankfully in Tarlac during the time of exposure so he and his companions weren’t at risk,” ani Kris na ang tinutukoy ay ang panganay na anak.

Si Kris ay mayroong autoimmune conditions habang si Bimby naman ay may asthma kaya pareho silang ‘high risk individual’. Mabuti na lamang, anang Queen of All Media, pareho silang nagnegatibo kahit pa nagkaroon sila ng ‘sustained contact’.

“We strictly isolated for 2 weeks, we had the ECLIA test done to be sure we weren’t asymptomatic, and again we were negative. In the big picture of life, we are still fortunate,” ayon pa sa dating Kapamilya host.

Imahe mula sa Instagram ni Kris

Ibinahagi rin Kris na hindi na muna mangyayari ang kaniyang inaasahang TV comeback dahil mas pinili umano ng producer ang iba na sa tingin ng kanilang sales team ay papatok sa publiko. Hindi naman binanggit ng aktres-host kung sino ang papalit sa kaniya.

Gayun pa man, malaki pa rin ang pasasalamat ni Kris sa Maykapal at umaasa pa rin siya na may mga darating pang oportunidad.

Imahe mula sa Facebook ni Kris

“I would like to believe that I am now the glass half full type of person – I no longer wish to focus on what’s not given, rather I am so grateful for blessings, and YES, our health is the most precious one. I continue to have faith there will be opportunities – all in God’s perfect timing,” pagtatapos ng post ni Kris.

Ito ang unang pagkakataon sa loob ng ilang linggong pananahimik na kinumpirma ni Kris Aquino na mauunsiyami ang kaniyang pagbabalik-TV matapos ianunsiyo noon ang bagong programang magbubukas sana sa Kapatid network.

Loading…