Kwek-kwek, adidas, fishball, isaw at iba pang Pinoy street foods pinilahan sa New York City

Screenshot mula sa Balitang America video
  • Pinoy street foods patok sa New York City
  • Pinilahan ang kwek-kwek, isaw, adidas, helmet, Betamax at iba pa sa isang pop-up event sa Big Apple
  • Upang malaman kung saan susunod na susulpot ang So Sarap NYC, kailangang i-follow ang kanilang social media accounts

Dinarayo ng mga New York City residents – Pinoy man, Amerikano o iba pang lahi – ang “So Sarap NYC” na isang pop-up food stall upang matikman ang authentic Pinoy street foods tulad ng pangkaraniwang makikita at mabibili sa mga lansangan sa Pilipinas.

Screenshot mula sa Balitang America video

Sa isang pop-up food event ay halos hindi maubus-ubos ang mga taong nakapila para matikman ang kwek-kwek, adidas, isaw, helmet, Betamax, Walkman, fishballs, kikiam na isinasawsaw sa apat na klase ng mga sawsawang Pinoy na Pinoy ang timpla.

Kitang-kita sa mga mukha ng mga Pinoy sa New York ang kasiyahan na muling matikman ang mga pagkaing nagpapanumbalik ng mga alala ng kanilang kabataan sa Pilipinas – na siya naman talagang misyon ng So Sarap NYC.

“SARAP” in Tagalog means yummy. But we’re more than that. Our mission is to remind you of your childhood memories and give you a taste of what Filipino street food is about. It’s all about the taste, the flavors and gimik vibes!” ayon sa Facebook page nito.

“I make tusok-tusok the fishball, guys,” sabi ng isang Pinay kasama ang ilang mga kaibigan na kumain sa pop-up food stall ng So Sarap NYC.

Screenshot mula sa Balitang America video

Isang local resident, si Joshua Roberts, ang sumubok ng balut at kwek-kwek. First time raw niyang nakatikim ng ganoon at nag-enjoy siya.

Ang So Sarap NYC ay pag-aari ng isang Pinoy family at ng non-Filipino friend.  Si Mang Virgilio Navarro, ang ama ng Pinoy owner, na isang street vendor noon sa San Carlos, Pangasinan, ang nagtitimpla ng mga sawsawan.

Aniya,”Pilipinong-Pilipino ang timpla n’yan.”

Screenshot mula sa Balitang America video

Ang So Sarap NYC ay sumusulpot sa iba’t ibang lugar sa New York City kaya upang malaman kung saan sila susunod na lilitaw ay kailangang i-follow ang kanilang social media accounts.

Sa September 5, 12, at 19 ay matatagpuan sila sa 151 Allen Street, New York City, New York mula alas-dos ng hapon hanggang alas-otso ng gabi.

Imahe mula sa So Sarap NYC Facebook page

 

Loading…