Lahat ng anak ni Jackie Forster present sa birthday ng ‘only daughter’

Image by Jackie Forster via Instagram
  • Kumpleto ang mga anak ni Jackie Forster sa pagdiriwang ng kaarawan ng kaniyang “only daughter”
  • Jackie: “Where God leads, He provides”
  • Dekada ring hindi nakapiling nina Kobe at Andre ang kanilang ina mula nang naghiwalay sina Benjie at Jackie

Larawan ng masayang pamilya ang mga laman ng Instagram posts ni Jackie Forster kamakailan dahil sa kumpleto ang lahat ng kanyang mga anak sa pagdiriwang ng ika-10 kaarawan ng kanilang “only daughter” na si Caleigh.

Image by Jackie Forster via Instagram

Nasa pagdiriwang sina Andre at Kobe na anak niya sa former basketball player na si Benjie Paras. Kasama nila sina Jared, Caleigh at Yohan na anak naman niya sa kasalukuyang asawa na si Michael Franken.

Kita sa dekorasyon ang mga pink balloons, purple tent at swing na puno ng pink and purple roses.

Pahayag ng nanay sa Instagram, “Where God leads, He provides. From @caleighsimone to @_kokoparas. He has always been guiding and protecting #blessed.”

Matatandaang matagal ding hindi nakapiling ni Jackie ang mga anak kay Benjie simula nang magkahiwalay ang dating mag-asawa, pero ngayong malaki na ang dalawa binabawi nila ang mga sandali at masayang pinagsasaluhan ang panahon.

Samantala, nag-celebrate din ng kanyang ika-23 birthday ang isa pa niyang anak na si Kobe noong Sept. 19.

Post ng nanay, “We will always be here to support you @_kokoparas. i’m so excited for all that is still ahead for you! Keep your head up an keep pushing towards your goals.”

Dagdag niya, alam niyang hindi naging madali ang buhay para sa anak sa mga nakaraang taon pero bahagi umano ito ng plano.

Image by Jackie Forster via Instagram

“Take all the learnings and allow yourself to grow. It’s true what they say : growing feels like breaking at first. So keep focused and keep praying. Trust me, it will all make sense later on.

“Meanwhile, hustle hard and take more chances while you are still young my love and try to enjoy the journey. God be with you every step of the way! We Love you so much. Happy Birthday!”

More blessings po sa masayang pamilya!

Image by Jackie Forster via Instagram

Loading…