‘Lahat ng mga atat maging pangulo natatalo’ – Yorme

Screenshot mula sa video ni Mayor Isko Moreno Domagoso
  • Ang mga atat maging pangulo ay natatalo, sabi ni Manila Mayor Isko Moreno
  • Nilinaw niyang wala siyang planong tumakbo sa mas mataas na posisyon sa darating na halalan
  • Matatandaang sinabi niya noon na nais niyang maglingkod sa Maynila sa loob ng tatlong termino upang maisakatuparan ang kanyang mga plano para sa lungsod

Mistulang umamin na rin si Manila Mayor Isko Moreno na pangarap niyang maging pangulo ng bansa balang araw. Ito ay dahil sa sinabi niyang lahat ng opisyal sa gobyerno, nahalal man o appointed, ay iyon ang pangarap.

Imahe mula sa Facebook account ni Mayor Isko Moreno

Subalit nilinaw ni Yorme na wala siyang balak na tumakbo para sa mas mataas na posisyon sa darating na halalan sa taong 2022. Aniya, naka-focus siya sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

“May pandemya ngayon eh. Hindi ba dapat ang focus namin eh tutukan itong pandemya. Ako, I would rather focus on this. For now, let me do my job. I owe it to the people of Manila. I owe them a lot,” anang alkalde.

Ang kanyang pahayag ay kasunod ng mga usap-usapan na may isang partido raw na humihikayat sa kanya na tumakbong bise-presidente sa 2022, na mariin niyang itinanggi.

“I have to be honest. Alam mo lalahatin ko, simula kagawad ng barangay, kagawad ng LGU o konsehal, vice mayor, mayor, governor, congressman, lahat ‘yan gusto maging Presidente,” giit ni Mayor Isko.

Aniya, tadhana lang ang makapagsasabi kung magiging pangulo ang isang politikong may pangarap na maging pinakamataas na opisyal ng bansa. Kung sino pa umano ang atat na atat sa nabanggit na posisyon ay sila pa ang natatalo.

Imahe mula sa Facebook account ni Mayor Isko Moreno

“Destiny ‘yan, eh. Lahat ng nag­plano niyan, natalo. Lalo na ‘yung mga naging atat, natalo rin Kusang dumarating ‘yan, ‘tsaka tao nagbibigay niyan,” paliwanag niya.

Kung matatandaan, noong bagong luklok siya bilang alkalde, sinabi niya na nais niyang magsilbi sa kanyang tungkulin sa loob ng tatlong termino o siyam na taon. Ito ay upang maisakatuparan niya ang kanyang mga long-term plans para sa Lungsod ng Maynila.

Source :

Philstar, Remate

Loading…