Lalaking nakayapak hinangaan matapos mamataang nagbabasa sa loob ng bookstore

Imahe mula sa Facebook | Robert Sison
  • Napahanga ang netizens sa matandang lalaki na nakuhanan ng larawan habang nagbabasa sa loob ng isang bookstore
  • Pinasalamatan din ng netizens ang bookstore dahil pinayagan nilang pumasok doon ang lalaki kahit pa nakayapak siya at walang damit pang-itaas
  • Sabi ng frontliner na kumuha ng larawan, tunay na hindi lamang sa apat ng sulok ng paaralan makapupulot ng mga aral

Naantig ang netizens sa larawan ng isang matandang lalaki na nakuhanan ng larawan habang nakasalampak at nagbabasa ng libro sa isang sikat na bookstore.

Imahe mula sa Unsplash

Kuwento ng frontliner na si Robert Sison sa Philippine Star, pumunta siya sa isang mall sa Muntinlupa upang bumili ng activity book para sa kaniyang pamangkin nang makita niya ang matandang nakayapak at walang damit pantaas na abala sa pagbabasa.

“I was fascinated to see this old man, barefooted, with face mask, sitting silently while reading books inside National Bookstore,” ani Robert na isang nurse sa Ospital ng Muntinlupa.

Nagpasalamat din siya sa staff ng bookstore dahil hinayaan nilang magbasa roon ang lalaki. “Thank you to the staff for giving him a space to nourish his knowledge,” sabi ng uploader.

Imahe mula sa Unsplash

“This is what I love about bookstores that allow us to have our own silent reading time with the books. Saludo sa bookstore at kay Tatay,” sabi naman ng isang nag-iwan ng komento. Sa kasalukuyan ay may mahigit 13k reactions at 11k shares na ang post ni Robert.

Hanga rin siya sa nakuhanan ng larawan dahil humahanap ito ng paraan upang magkaroon ng dagdag kaalaman.

“I am so privileged to finish my degree in a regular school but learning is not limited inside the school premises. This old man, despite his poverty, finds a way to enrich himself by reading,” dagdag pa ni Robert.

“Truly, every person has a story to tell to everyone. We just need to be conscious and be observant of our surroundings.”

Loading…