Lalaking nawalan ng trabaho umuwi ng Samar mula Bulacan gamit ang pedicab; mga riders kaagad tumulong

Mga imahe mula sa Facebook ni Nprojay Katigbakrg
  • Isang lalaking nawalan ng trabaho ang umuwi sa kanilang probinsiya gamit ang pedicab
  • Kaagad naman siyang tinulungan ng mga riders at concerned citizens
  • Nakatakdang umuwi ang lalaki mula Malolos, Bulacan hanggang Samar

Hindi nagdalawang-isip ang mga riders na tulungan ang isang lalaking nawalan ng trabaho dahil sa pandemya at napilitang umuwi sa kanilang probinsiya sa Samar.

Nagbahagi ng mga larawan at video ang rider na si Nprojay Katigbakrg kung saan makikitang pinaagtutulungang maisampa sa isang pick-up truck ang pedicab ng lalaking nakilalang si Jonas Banal.

Imahe mula sa Facebook ni Nprojay Katigbakrg

Bukod sa pagbahagi sa mga larawan, humingi rin ng tulong si Nprojay sa kaniyang mag kapwa-riders sa Bicol at Visayas upang tuluyang maihatid sa kaniyang destinasyon si Jonas.

Kabilang sa mga tumulong umano at kaniyang pinasalamatan ang DX1P ( SPACE) Director Francis Nazareno (4I1ZZF) at t Nestor Jr Degracia (4H1LCL), Triskilleon San Pablo Council, SAN PABLO RIDERS ALLIANCE, RSAP Laguna, BRC Laguna, RG Community, at ang BFP Pagbilao-Quezon.

Imahe mula sa Facebook ni Nprojay Katigbakrg

Ayon sa GMA Public Affairs, nawalan ng trabaho si Jonas kaya nagpasyang umuwi na lang sa bayan sa Almagro, Samar. Subalit dahil kinapos ang kaniyang naipon para sa pamasahe, nagpasiya na lamang siyang gamitin ang kaniyang padyak na may sidecar para bumiyahe.

Base naman sa pinakahuling update ni Nprojay, nakarating na sa Matnog, Sorsogon si Jonas dahil na rin sa kabutihang-loob ng mga tumulong sa kaniya.

Imahe mula sa Facebook ni Nprojay Katigbakrg

Magpapahinga muna umano sila doon bago muling tumulak biyaheng Samar sa Setyembre 26.

Samantala, nag-aabang na rin daw ang Arangkada Riders Alliance Visayas para saluhin si Jonas pagdating sa Samar hanggang makarating sa kaniyang paroroonan.

PWD na nagpadyak mula Kalookan hanggang Sorsogon, tinulungan ng mga riders

Magugunitang isa ring PWD na nagpadyak mula Kalookan ang tinulungan ng mga riders noong Hunyo para naman makauwi sa Bicol.

Loading…