
- Isang rider ng Lalamove, nag-abono ng P3,000.00 para sa kustomer dahil bato ang laman ng parcel sa halip na cellphone
- Nagpaalala ang isang Facebook user na maging mapagmatyag ang mga rider sa idine-deliver na produkto
- Nawa’y maisip ng mga gumagawa nito ang epekto sa mga bi
ktima
Nakalulungkot ang naging karanasan ng isang rider ng Lalamove kamakailan yamang nag-abono pa siya ng P3,000.00 para sa isang kustomer na nag-order ng isang cellphone product. Ito’y makaraang malaman na bato pala ang nasa loob ng box na nai-deliver niya sa halip na Huawei Y6P.

Pagbabahagi ni Facebook user Esoj Serrano, “Kawawa si kuya rider ng Lalamove, taga-Las Pinas siya na-Fakeb0ok siya at nag-abono ng 3K para sa cellphone na bato ang laman.
“Naawa ako sobra kay Kuya, sana maging lesson learned na ito lalo na sa mga tropang nagdedeliber at nag-aabono. Must check the unit and identity ng ka-transaction, picture, para may habol kayo kung sakaling maloko kayo,” kasama ang umiiyak na emoji.
Saad pa ni Serrano, sa kabila nito ay mayroon namang “good karma” na babalik sa rider basta’t magtiwala lamang ito sa Diyos Ama. “God bless sa’yo kuya, Diyos na din bahala sa nanloko saten.”
Kalaunan ay binura ng FB user ang kanyang post sa hindi nabanggit na kadahilanan. Sa kabila nito, naging usap-usapan na sa social media ang naging karanasan ng rider at may mga nagpahayag na tumulong.

Tinatayang nasa P6,000.00 ang presyo ng Huawei Y6P sa Pilipinas. Kilala ito sa malaking 5,000 mAh na baterya at triple rear camera. Hindi na basta-basta ang halaga ng produktong ito lalo na ngayong nakararanas tayo ng pandemya.
Marami na ang naging biktima ng fake booking kung tatawagin, ‘yung mag-oorder pero iba naman ang laman ‘pag na-deliver. Nawa’y maisip naman ng mga gumagawa nito ang perwisyo sa mga taong nagiging biktima.
