Larawan ni Rodjun na karga-karga si baby Joaquin, nag-trending: “Mahal na mahal Kita, anak ko”

Image by Rodjun Cruz via Facebook
  • Sweet moment ng mag-amang Rodjun Cruz at Rodolfo Joaquin Diego III, trending
  • Rodjun: “Habang ika’y tulog ako’y gising nakabantay sayo. Mahal na mahal Kita anak ko”
  • Ani Dianne Medina, maituturing na “answered prayer” ang pagdating ng kanilang anak

Umani ng atensyon sa social media ang larawan ng “sweet moment” nina Rodjun Cruz at ng newborn baby boy na si Rodolfo Joaquin Diego II. Karga-karga rito ng aktor ang kanyang anak na mahimbing na natutulog.

Image by Rodjun Cruz via Facebook

Pahayag ni Rodjun, “Habang ika’y tulog ako’y gising nakabantay sayo. Mahal na mahal Kita anak ko @babyjoaquinilustre! #Blessed #MyLife #thebestfeelingintheworld #FatherandSon.”

Nakakuha na ng higit 90,068 reaksyon ang post. Komento ng isa nilang kapamilya, “Adorable baby, has a sharp nose. Happy daddy, yoh! What a lucky baby to have a parent like you, hope you wouldn’t change. Just that granny’s not around to hold and hug her grandson, anyway she’s looking and guiding you to be a good daddy.”

Sabi naman ng isa nilang tagahanga, “Baby pa siya pero kita na ang pagka-guwapo niya. Congrats Rodjun and Dianne. God bless you both and your new angel.”

Ani naman ng isa pa, “Ang pogi po, promise. Kamukha mo talaga kuya Rodjun.”

Matatandaang matagal nang-excited ang mag-asawang Rodjun at Dianne Medina sa pagsilang ng huli, at matagumpay itong naganap noong September 10.

Pinangalanan nila itong Rodolfo Joaquin Diego III; ang Rodolfo ay nanggaling sa pangalan ng ama ni Rodjun kaya’t may III sa bahagi ng pangalan ng supling, nangangahulugan ito ng “work and strong”.

Samantala, ang Joaquin ay Spanish version ng Joachim na nangangahulugang “God has established” o “lifted by YahWeh.” “Supplanter” naman ang ibig sabihin ng Diego.

Welcome to parenthood! Dianne Medina, Rodjun Cruz tinawag na “answered prayer” ang kanilang unang supling

Para kay Dianne, maituturing na “answered prayer” ang pagdating ng kanilang anak.

“My answered prayer… my Baby Rodolfo Joaquin Diego III. Thank you my Almighty Father. September 10, 2020 1:55 AM. please follow our baby,” aniya.

Loading…