Laurenti Dyogi itinalaga bilang bagong head ng Star Magic; Johnny Manahan lilipat na sa TV5

Imahe mula sa ABS-CBN News
  • Itinalaga si Direk Laurenti Dyogi bilang bagong Head ng Star Magic ng ABS-CBN
  • Papalitan ni Direk Lauren si Mariole Alberto simula sa Enero 1, 2021
  • Kasunod ito ng balitang lilipat na rin sa TV5 si Direk Johnny Manahan

Bilang bahagi ng isinasagawang pagbabago sa organisasyon, inanunsiyo ng ABS-CBN ang pagkakatalaga ni Direk Laurenti Dyogi bilang bagong head ng Star Magic; ang talent center ng Kapamilya network na nagpasikat ng maraming artista ngayon.

Pamumunuan ni Direk Lauren ang Star Magic kapalit ni  Mariole Alberto simula sa Enero 1, 2021. Sa Disyembre 31, 2020 ang huling araw ni Alberto sa ABS-CBN. Ang hakbang na ito ay resulta na rin ng pagbabawas ng empleyado ng network matapos mabigong makakuha ng panibagong prangkisa sa Kamara.

Imahe mula sa ABS-CBN News

Ito ay kasunod na rin ng napabalitang paglipat ni Johnny Manahan o ‘Mr. M’ sa TV5 kung saan ididirehe niya ang isang show. Si Mr. M ang nagtayo ng Star Magic at ang chairman emeritus nito.

Pinasalamatan at kinilala ng ABS-CBN ang naging kontribusyon nina Mr. M at Alberto na responsable sa pagtuklas ng maraming talents ng Kapamilya network tulad nina Piolo Pascual, Claudine Barretto, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Angelica Panganiban at marami pang iba.

“Over the years, Mariole has been instrumental in the discovery, development, and success of many of the country’s top talents. ABS-CBN would like to acknowledge and thank Mariole and Johnny Manahan or ‘Mr M’ for their many contributions to the company, Star Magic, and to the industry,” ayon sa pahayag ng network.

Imahe mula sa ABS-CBN News

Tiniyak naman ng pamunuan ng ABS-CBN na ipagpapatuloy ni Direk Lauren ang sinimulan nina Manahan at Alberto tulad ng pagdi-discover at pagma-manage ng mga bagong talents. Si Dyogi rin ang kasalukuyang head ng Entertainment Production ng kumpanya.

“They will identify opportunities for our talents, while ensuring that these opportunities are aligned with the talent’s equity,” ayon pa sa pahayag ng ABS-CBN.

Maja Salvador nagpaalam na sa mga tagahanga; posibleng mapanood sa ibang network

Magugunitang ibinahagi kamakailan ni Maja Salvador ang paglipat sa TV5 upang samahan ang kaniyang ‘tatay’ na si Mr. M.

“Mga kapamilya, sasamahan ko po muna ang aking tatay na si. MR.M kaya sana wag po kayo magulat kung makikita niyo akong lumabas sa ibang network at patuloy makapagbigay ligaya sa inyo kahit sa anong paraan at plataporma,” wika ni Maja sa kaniyang Instagram post.

Loading…