Lazada, Shopee planong panagutin dahil sa talamak na bentahan ng fake items

Imahe mula sa Cozyberries
  • Online shopping platforms na Lazada at Shopee nais panagutin ni Sen. Gatchalian dahil sa bentahan ng fake items
  • Sinabi ng Lazada CEO na may mga hakbang silang ginagawa upang mapigil ang pagkalat ng counterfeit items mula sa mga online merchants
  • Kinukonsidera ng Lazada na i-ban ang mga small sellers at alisin ang food and pharmaceutical category sa kanilang app

Maraming mamamayan ang gumagamit na ngayon ng online shopping platforms gaya ng Lazada at Shopee dahil sa epekto ng pandemya. Mas convenient ang online shopping, subalit may kaakibat na problema ito gaya ng pagkalat ng mga pekeng produkto.

Imahe mula sa Pixabay

Ang ganitong problema ay nagpapatuloy lalo na’t kadalasan ay hindi ang actual photo ng produkto ang ipinakikita sa online shopping platforms.

Upang matugunan ang problema, sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na sa kanyang palagay ay dapat panagutin ang online shopping platforms gaya ng Lazada at Shopee sa bentahan ng mga counterfeit items.

“They are self-regulating themselves and it is not working because marami pa ring nakakalampas,” sabi ng senador patungkol sa Lazada at Shopee.

Nakapaloob sa inihain niyang Senate Bill No. 1591, na naglalayong ma-regulate ang e-commerce sa Pilipinas, na ang online merchants na mapapatunayang nagbenta ng pekeng produkto ay pagmumultahin ng katumbas ng 100% ng presyo ng produktong ibinenta.

At kung hindi magsusumite ang merchants ng kumpletong detalye tungkol sa kanilang shops at produkto ay pagmumultahin ng P500,000 hanggang P5 million at posible pang bawian ng business permit.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Win Gatchalian

Sinabi ng chief executive officer ng Lazada na si Ray Alimurung na may mga hakbang silang ginagawa upang mapigilan ang bentahan ng fake goods, ngunit dahil sa sobrang dami ng mga online merchants ay mayroon talagang nakalulusot.

“It is not for lack of doing things… It’s just a matter of us trying to do better mouse traps when these guys try to develop better mice,” aniya.

At dahil sa pagsisiwalat ni Senator Gatchalian tungkol sa proliferation ng fake goods, kinukonsidera ngayon ng Lazada na i-ban ang mga small sellers at ang food and pharmaceutical category sa kanilang app.

Imahe mula sa Cozyberries

Sinabi naman ni Sen.Pia Cayetano na hindi makatarungang ipasara ang mga online shops dahil sa pekeng items dahil ang mga counterfeit goods ay ibinebenta rin sa mga physical stores. Magkagayun pa man, kailangan umanong masolusyunan ang problema.

Source :

Unbox, ABS-CBN

Loading…