Leila sa amang si Ogie Alcasid: He made an effort to be there for every birthday, graduation

Imahe mula sa Instagram | Leila Alcasid at YouTube | Star Cinema
  • Malaki ang pasasalamat ni Leila Alcasid sa amang si Ogie Alcasid
  • Aniya, nasaksihan niya ang paggawa nito ng paraan upang maging laging present sa kaniyang mga graduation at birthday
  • Masaya naman si Ogie dahil naging mabuting anak si Leila sa kabila ng mga pinagdaanan nito dahil sa paghihiwalay nila ni Michelle van Eimeren

Puno ng papuri si Leila Alcasid para sa singer at song-writer na si Ogie Alcasid na tinawag niyang isang mabuting ama.

Imahe mula sa Instagram | Leila Alcasid

Sa isang panayam online sa Star Magic ay inamin ni Leila na dumaan sa iba’t ibang phases ang kanilang relasyon bilang mag-ama. “I’d say that we’ve done a lot of growing because this is the first time that I am living with my dad full-time for the past three years,” aniya.

Dagdag pa ni Leila, noong bago pa lamang siya sa poder ng ama ay madalas niyang ikumpara si Ogie sa kaniyang inang si Michelle van Eimeren. “Because I grew up with my mom. But I realized after a while that they are very different people and they give me different things.”

Ngayon ay nagkakaintindihan na raw sila ng ama at alam na nila kung kailan sila kailangan ng isa’t isa.

“Because there comes a point when kids have to start being there for their parents. Parents can’t always be the ones always supporting their kids because sometimes, parents also are going through hardships,” paliwanag ni Leila.

Imahe mula sa Instagram | Ogie Alcasid

Sa kabila ng mga pinagdaanan ay hindi kailanman nakita ni Leila ang kaniyang ama bilang “bad father” lalo na at nasaksihan niya ang effort ni Ogie upang makasama siya.

“He made so much effort my whole life to be there every single event — my graduation, all my birthdays, everything. He will make the effort no matter how expensive it was or no matter how hard it was with his schedule. And I appreciate that,” sabi ni Leila.

Maging si Ogie ay sinabing mabuting anak din si Leila lalo na at batid niyang hindi naging madali para rito ang sitwasyon nang maghiwalay sila ni Michelle.

“Medyo matindi ang pinagdaanan nito, eh. Noong naghiwalay kami, siya ‘yong affected talaga. She was 5. The journey hasn’t been easy for her but she turned out to be really, really good,” ani Ogie.

Dahil sa mga pinagdaanan, maiintindihan daw ni Ogie kung nagrebelde o nagtanim ng sama ng loob sa kaniya ang anak ngunit hindi ito ang nangyari.

“I believe there is this real goodness in your heart which is a forgiving heart. Hindi ‘yon na-a-acquire lang. Kusa ‘yon. You are a good daughter and a good person.”

Source :

YouTube

Loading…