Life coach ibinahagi ang “YOUnique thoughts” sa pagpapautang sa kaibigan

  • Ibinahagi ni Jayson Lo ang kaniyang “#YOUniqueThoughts”
  • Hinggil ito sa pagpapahiram ng pera o pagpapautang sa kaibigan
  • Madalas daw ay pinagmumulan ito ng ‘di pagkakaunawaan

Hanggang saan ka kayang dalhin ng iyong pagmamahal sa kaibigan? Kaya mo bang magpautang, o magbigay na lamang ng tulong?

Ibinahagi sa Facebook post ng isang kilalang life coach na si “Jayson Lo” ang kaniyang “thoughts” hinggil sa pagpapahiram ng pera o pagpapautang sa kaibigan. Aniya, sinimang pumayag na magpautang ng pera sa kaibigan ay kailangang maging handa sa mga posibilidad: mawalan ng pera, mawalan ng kaibigan, o pareho.

Imahe mula sa Facebook account ni Jayson Lo

“Kapag nagpahiram ka ng pera sa kaibigan, bye bye pera at kaibigan. Kapag humindi ka, bye bye kaibigan lang,” aniya.

Kaya naman ang payo niya, “Imbes na magpahiram ka, magbigay ka na lang kung hanggang saan ang kaya mo. #YOUniqueThoughts.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Correct po ‘yan. Hindi pa sasama loob mo ‘pag hindi ka nabayaran. At malaya ka makakatulog,” turan ng isa na tila ba may hugot dito.

Sabi naman ng isa, “Yes. Super check! I learned this from my bestfriend 5 years ago… ngayon, hindi na kami nag-uusap. To cut the story short, hindi niya ako binayaran at nagalit pa sa akin.”

“I’ve learned only a lesson. If gusto tumulong then never expect in return. Pero sana ‘pag humiram sila expect din nila sa sarili nila ang magbayad. Marami kang mga kaibigan ‘pag my pera ka, pero ‘pag wala kang pera at ikaw humiram sa kanila, hindi mo na mahagilap kung nasaan sila,” pagninilay naman ng isa.

Wika naman ng isa, “A friend can be measured by how he or she values your money and possessions. If he/she does not pay back what he/she owes you, then he/she is not a friend.”

Kaya payo sa lahat, gawing klaro kung ang ibibigay na pera ay utang o hiram na kailangang ibalik, o tulong na kusang-loob ibibigay at hindi inaasahan ang anomang kapalit.

Public Domain Image

Bukod sa life coach, si Jayson Lo ay isang motivational speaker, best-selling author, at financial consultant/expert.

Loading…