Liza Diño inamin na madalas siyang mapagkamalang nanay ni Ice Seguerra

Imahe mula sa Instagram account ni Liza Diño
  • Aminado si Liza Diño na madalas siyang mapagkamalang nanay ng partner niyang si Ice Seguerra
  • Dahil madalas nga siyang mapagkamalang nanay ni Ice, naghanap daw talaga siya ng picture na magkasama sila na mukhang mag-asawa at hindi mag-ina
  • Si Liza,na chairman ng FDCP, ay anak ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño

Inamin ni Liza Diño na madalas siyang mapagkamalang nanay at hindi asawa ni Ice Seguerra, ang dating child star na kilala noon bilang Aiza Seguerra.

Imahe mula sa Instagram account ni Liza Diño

Ang pag-amin ni Liza ay kasunod ng post sa Twitter ng isang online news site na napagkamalan siyang nanay ni Ice.

“Liza Diño, napagkamalang ina ni Ice Seguerra,” tweet ng Remate News Online. Natatawang nag-react si Liza sa naturang tweet.

“Hahahaha! Yup, maraming beses na,” aniya sa Twitter post.

Dahil madalas nga siyang mapagkamalang nanay ni Ice, naghanap daw talaga siya ng picture na magkasama sila na mukhang mag-asawa at hindi mag-ina.

“Ayan, naghanap talaga ako ng picture na hindi ako magmumukhang NANAY mo,” pabirong sabi ni Liza, na chairman ng Film Development Council of the Philippines.

Hindi naman itinatanggi ni Liza na talaga namang mas mukhang bata sa kanya ang partner, na ang totoo ay mas matanda sa kanya ng ilang taon. Thirty three years old siya, samantalang thirty seven naman si Ice.

Minsan nga raw ay parang kinse anyos lang si Ice.

Imahe mula sa Instagram account ni Liza Diño

“Pagod na pagod na ‘kong mag-explain na thirty three lang ako. Kahit thirty seven ka na, minsan mukha pa ring fifteen,” aniya.

Si Liza Diño ay lumahok noon sa Mutya ng Pilipinas beauty pageant at nanalo ilang Mutya ng Pilipinas-Tourism International. Siya ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Tourism International pageant noong taong 2001.

Isa rin siyang artista sa TV at pelikula sa ilalim ng pamamahala ng GMA 7 Artist Center. Anak siya ni Department of Interior and Local Government Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño.

Noong December 2014 sila ikinasal ni Ice Seguerra sa California.

Imahe mula sa Facebook account ni Ice Seguerra

Loading…