Longest-running ABS-CBN soap ‘Ang Probinsyano’, 5 years na sa telebisyon

Image by Coco Martin via Instagram
  • FPJ’s Ang Probinsyano, limang taon nang sinusubaybayan ng madlang pipol
  • Napapanood pa rin ito sa cable channel at online platforms ng ABS-CBN
  • Malaki ang pasasalamat ng mga bumubuo sa action series sa mga tagasuporta

Limang taon nang sinusubaybayan ng masa ang pakikipagsapalaran ni Cardo Dalisay sa longest-running teleserye ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano; patuloy din ang mga bagong episodes nito kahit na hindi nabigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN para mag-operate sa free TV.

Image by Coco Martin via Instagram

Kaya’t malaki ang pasasalamat ng mga bumubuo sa action series sa mga patuloy na sumusuporta sa kanilang show na napapanood ngayon sa cable channel na Kapamilya Channel at online platforms ng Kapamilya station.

Pahayag ni Coco Martin, na siyang gumaganap sa pangunahing papel, “Sama sama pa rin nating haharapin kahit ano pang pagsubok ang dumating. Happy anniversary, mga Ka Probinsyano.”

Saad naman ni Lorna Tolentino na gumaganap bilang First Lady Lily Ann Cortez, “Ano mang pagsubok ay kayang lampasan. Happy anniversary, mga Ka Probinsyano! Tuloy ang Laban.”

“Happy anniversary, mga Ka-Probinsyano! Lima na tayo! God bless everyone,” ang pahayag ni John Arcilla na gumaganap bilang Secretary Renato “Buwitre” Hipolito.

“Sa pagdiriwang ng Ika 5 taon ng aming programa Tuloy Ang Laban para magbigay kami ng aliw sa gitna ng pandemyang nararanasan natin sa ngayon… Maraming salamat sa lahat ng sumusubaybay sa inyo In The Service of the Filipino… To God be the Glory,” ang sabi ni Rowell Santiago na gumaganap bilang President Oscar Hidalgo.

Gayundin ang mensahe ng Dreamscape Entertainment: “Sama-sama pa rin nating haharapin kahit ano pang pagsubok ang dumating. Happy Anniversary, mga Ka-Probinsyano.”

Imahe mula sa Instagram | Coco Martin

Nagsimula noong September 28, 2015; tumatalakay ang serye sa pakikipagsapalaran ng isang pulis para sa ipinaglalaban na katarungan at kapayapaan.

Bagong pasok sa serye sina Richard Gutierrez, na gumaganap bilang mayamang negosyante, at Seth Fedelin, na gumaganap bilang nangangarap maging pulis.

Napapanood ito Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng TV Patrol.

Image from Coco Martin’s Instagram account

Loading…