Lungsod ng Maynila, nakatanggap ng P10-M at P1-M donasyon sa 2 magkasunod na araw

Imahe mula sa Facebook bi Mayor Isko
  • Nakatanggap ng donasyong P11-M ang Lungsod ng Maynila sa dalawang magkasunod na araw
  • Unang tumanggap si Mayor Isko mula sa isang negosyante ng donasyong P10-M
  • Sinundan ito ng P1-M donation mula naman sa isang anonymous donor

Tumanggap ng kabuuang P11-M bilang donasyon ang Lungsod ng Maynila sa dalawang magkasunod na araw nitong linggo lamang.

Unang inanunsyo ni Mayor Isko Moreno nitong Lunes ang pagtanggap nila ni Vice Mayor Honey Lacuna ng tsekeng donasyon na nagkakahalaga ng P10-M mula sa isang anonymous donor.

Screenshot mula sa Facebook post ni Mayor Isko

Ayon kay Mayor Isko, ito ay nagmula sa isang negosyante na ayaw magpakilala. Nakatakda namang gamitin ang pera para COVID response ng Maynila.

“Gagamitin po natin itong donasyon para sa pagpapalakas ng ating pagresponde sa COVID-19 pandemic dito sa Maynila,” ayon kay Mayor Isko.

“Maraming maraming salamat po sa inyong tiwala sa Pamahalaang Lungsod at sa malasakit sa aming mga Batang Maynila,” dagdag pa ng alkalde.

Imahe mula sa Facebook ni Mayor Isko

Nitong Martes, muling masayang ibinalita ni Mayor Isko ang panibagong donasyon mula sa isang anonymous donor na nagkakahalaga naman ng P1-M.

“Taos-puso pong nagpapasalamat kaming mga Batang Maynila sa isa na naman pong anonymous donor na nagbigay po ng donasyong P1 million para sa Lungsod ng Maynila!” wika ng post ng alkalde sa kaniyang Facebook.

“Tulad po ng mga naging cash donation para sa Lungsod ng Maynila, gagamitin po namin ito para sa pagpapalakas ng ating mass testing at medical treatment para sa mga pasyenteng tinamaan po ng COVID-19.,” ayon pa dito.

Imahe mula sa Facebook ni Mayor Isko

Malaki naman ang pasasalamat ni Mayor Isko sa mga patuloy na nagtitiwala sa kanilang pamahalaang lungsod lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Noong Agosto, nakatanggap rin ng donasyong P3-M mula ang Maynila mula  sa kumpanyang San Miguel Corp. ng negosyanteng si Ramon S. Ang.

Maraming ginagawang hakbang ang lungsod, sa pangunguna ni Mayor Isko, para labanan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus. Kabilang na rito ang pagbili ng mga testing machine para sa tatlong pangunahing ospital doon.

Inilunsad din kamakailan ang libreng drive-thru COVID testing center para sa mga motoristang nais ipasuri ang kanilang sarili nang walang bayad.

Loading…