Macoy Dubs a.k.a. “Auntie Julie” may first TV debut sa It’s Showtime

  • May first TV debut na si Auntie Julie na ginagampanan ni Macoy Dubs o Mark Averilla sa tunay na buhay
  • Naglaro siya sa segment na “Mas Testing” ng “It’s Showtime” 
  • Bago sumikat bilang Auntie Julie sa kaniyang mga monologo, nakilala si Mark sa kaniyang mga Tagalog-dubbed clips ng mga foreign movies na “Mean Girls” at “The Devil Wears Prada”

Guest sa noontime show ng ABS-CBN na “It’s Showtime” ang sikat na social media influencer ngayon na si Macoy Dubs na mas nakilala sa kaniyang personang si “Auntie Julie” nitong Miyerkules, Setyembre 2, 2020 para sa segment na “Mas Testing.”

Si Mark Averilla, na dating OFW at ngayon ay isang content creator sa social media, ay game na game na nakipagsabayan sa mga hosts na sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, at Vice Ganda kasama pa ang singer-Tawag ng Tanghalan hurado na si Nyoy Volante na gumanap naman bilang Auntie Patika bilang katapat ni Auntie Julie, kasama pa ang komedyanteng si Eric Nicolas. Ipinagmalaki naman ito ni Mark sa kaniyang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook account ni Macoy Dubs

“Auntie Julie/my first TV debut. Thank you sa mga nanood!” pasasalamat ni Mark, na ang mga larawan umano ay kuha ng isa sa mga hosts ng programa na si Karylle.

Ipinakilala naman ni Vice si Auntie Julie bilang isa sa mga guests.

“Guys, I want you to meet my favorite auntie. She’s a very classy auntie,” sabi ni Vice Ganda.

“Thank you. I will give you pearls later,” sagot naman ni Auntie Julie.

Umani naman ito ng positibong reaksyon mula sa mga netizens at kaniyang tagahanga.

“You look classy, Auntie Julie! Sayang hindi ko napanood! Say hi to Cassandra and Robert for me, also to Aunt Cely. Thank you!,” sabi ng isa.

Turan naman  ng isa, “Nakaka-good vibes talaga si Auntie Julie! Galing mo! Sana pasukin mo na ang pag-aartista. Ganiyan din ang nangyari kay Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Bago sumikat bilang Auntie Julie sa kaniyang mga monologo, nakilala si Mark sa kaniyang mga Tagalog-dubbed clips ng mga foreign movies na “Mean Girls” at “The Devil Wears Prada.”

Imahe mula sa Facebook account ni Macoy Dubs

Ayon kay Mark, nakuha niya ang katauhan ni Auntie Julie sa kaniyang ina mismo dahil ganito raw ito makipag-usap sa kaniyang mga kaibigan. Si Auntie Julie ay representasyon ng mga sosyal at conyo titas na graduate mula sa exclusive school na Poveda.

Panoorin ang naturang video ng It’s Showtime via ABS-CBN Entertainment channel:

Loading…