“Makeover” ng isang civil engineer sa kaniyang kuwarto, hinangaan ng mga netizens

  • Pinag-usapan ng mga netizens ang “ultimate room makeover” ng isang civil engineer
  • Makikita sa mga larawang ibinahagi niya ang “Japanese-inspired” na bagong renovated bedroom
  • Agaw-pansin ang mga dingding nito na “hand-painted mural” ng bundok at alon sa karagatan na siya mismo ang nagpinta

Hinangaan ng mga netizens ang “makeover” na ginawa ng isang civil engineer sa kaniyang sariling kuwarto dulot na rin ng pagkabagot sa panahon ng community quarantine.

Ultimate room makeover na maituturing ang ginawa ni Sonder Evennys Layugan Agustin sa kaniyang sariling kuwarto sa Ilocos Norte, na ibinahagi niya sa kaniyang social media platforms gaya ng Facebook at YouTube channel.

Imahe mula sa Facebook account ni Sonder Evennys Layugan Agustin

“I’m posting my room again because this time it is the ULTIMATE ROOM MAKEOVER. And I’m proud of myself because I made my own room transformation by the help of my friends (Artist’s Minimalist Room),” ayon sa caption ng kaniyang Facebook post.

Makikita sa mga larawang ibinahagi niya ang “Japanese-inspired” na bagong renovated bedroom. Agaw-pansin ang mga dingding nito na “hand-painted mural” ng bundok at alon sa karagatan na siya mismo ang nagpinta. Hilig din niya kasi ang mural painting.

Nariyan din ang kaniyang “floating bookshelves” na nakadikit sa dingding, tensegrity table at kohiteburo o coffee table na siya mismo ang may likha, dahil nasa negosyo siya ng paggawa ng customized furniture. Isa pa sa mga nakaaaliw na gamit sa loob ng kaniyang kuwarto ang Japanese-inspired platform bed.”

“Fresh graduate po ako as civil engineer, and may small woodwork-shop ako and I accept made to order customized furniture and sideline ko rin po ang mural paintings. And I’m planning to make a construction firm hopefully,” ani Sonder sa panayam sa kaniya.

Imahe mula sa Facebook account ni Sonder Evennys Layugan Agustin

Ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit niya naisipang gawin ito.

“Naisipan kong mag-renovate ng room kasi I graduated this year as a civil engineer, kaya lang po due to the pandemic hindi kami makakapag-board exam this year. Kaya para naman may pagkalibangan ako dahil bakante naman ako, nag-request ako sa family ko na kung puwede magpatayo ako ng woodworks-shop kahit small lang,” salaysay niya.

Dagdag pa niya, “And then, because ‘yung mga sample na ginagawa kong furnitures is maganda naman, naisipan kong idisplay sa room ko, but because my room is not good-looking, I decided to renovate it para naman bumagay mga furnitures na ginawa ko then, I love arts and I think I’m good at it po, kaya naisipan ko ring pintahan yung room ko.”

Ayon pa sa kaniya, halos umabot sa 100,000 piso ang kaniyang ginastos para sa naturang renovation, kasama na ang bayad sa labor.

Panoorin ang kaniyang ultimate room makeover via YouTube channel:

Loading…