Marjorie Barretto pinasaringan si Jay Sonza: “Yung pagka-iresponsable mo lang, sobra”

Imahe mula sa ABS-CBN/IMDB/Facebook
  • Naglabas na ng saloobin si Marjorie Barretto tungkol sa maling balitang ikinalat ni Jay Sonza
  • Tinawag niya itong ‘iresponsable’ at walang respeto sa pagkababae ng kaniyang anak
  • Sinamahan ni Marjorie ang kaniyang anak sa NBI para maghain ng demanda laban kay Sonza

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na si Marjorie Barretto laban kay Jay Sonza kaugnay sa maling balita na ibinahagi ng huli sa kaniyang Facebook tungkol sa pagiging buntis umano ni Julia Barretto.

Magugunitang binawi na ni Jay Sonza ang kaniyang sinabi sa Facebook at humingi na rin ito ng paumanhin kina Julia at sa itinuturong ama umano ng ipinagbubuntis ng aktres na si Gerald Anderson.

Imahe mula sa ABS-CBN News

Sa kabila nito, itinuloy pa rin ni Julia ang pagsasampa ng reklamo laban sa barikang broadcaster dahil umano sa pagiging sinungaling at iresponsable ng huli.

Sinamahan naman ni Marjorie ang kaniyang anak nang maghain ito ng demanda sa tanggapang ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Biyernes.

Sa panayam ni MJ Felipe, tinawag ding ‘iresponsable’ ni Marjorie ang ginawa ni Sonza na posible umanong makaapekto sa mga kontrata ng kaniyang anak.

Imahe mula sa Facebook | Jay Sonza

“‘Yung pagka-iresponsable mo lang, Mr. Sonza, sobra eh. Hindi ka man lang nagtanong sa mga malalapit sa buhay niya. Walang pinanggalingan ‘yung sinasabi po ninyo,” ani Marjorie.

“Ang pagkaka-confirm pa ninyo eh b*b*y ‘yung style. ‘Di n’yo na nirespeto ‘yung pagkababae niya at saka bata,” dagdag pa nito.

BASAHIN: Dennis Padilla may mensahe kay Jay Sonza kaugnay sa ‘pagbubuntis’ ni Julia

Ganito rin halos ang naging pahayag ng ama ni Julia Barretto na si Dennis Padilla.

“Kasi parang ang pagkabitaw ni Jay Sonza, parang casual. Hindi siya news type. Siguro ang kulang ni Kuya Jay doon is coordination sa mga magulang at sa bata,” ayon sa komedyante sa naunang panayam.

Image by Jay Sonza via Facebook

Subalit taliwas naman ang kaniyang sinabi sa desisyon ni Julia na magsampa ng reklamo laban kay Jay Sonza. Ayon kasi kay Dennis, wala na silang planong papanagutin pa ng legal ang beteranong broadcaster.

“Hindi na siguro kasi lalaki namang kausap si Kuya Jay. Mag-uusap na lang kami, tawagan and kung kailangang may mag-apologize, apology lang siguro,” ani Dennis sa kaniyang naunang pahayag.

Loading…