Marriage booth lang noon, tunay na mag-asawa na ngayon

  • Nauwi sa totohanang pagpapakasal ang dating napagti-tripan sa marriage booth
  • Ang marriage booth, o kasal-kasalan, ay kadalasang ginagawa sa tuwing may event sa paaralan
  • Marami naman ang “relate-much” dito

Paano nga ba kung ang simpleng pagsali lamang noon sa marriage booth ay magiging totohanan na pala sa takdang panahon?

Iyan daw ang nangyari sa mag-asawang sina Deither at KM Catugas. Ang marriage booth, o kasal-kasalan, ay kadalasang ginagawa sa tuwing may Intramurals o Foundation Day Celebration ng paaralan.

Ayon sa caption ng kanilang Facebook post, “Nag-marriage booth lang kami noon, asawa ko na ngayon.”

Imahe mula sa Facebook account ni Deither Catugas

Bagama’t hindi naman nila dinetalye ang kanilang naging kuwento, kinilig naman ang mga netizens hinggil dito.

Wika ng isa, “Ang bilis naman po ng panahon haha parang high school lang po yata kayo d’yan eh pero anyway congrats for both of you. Sana all.”

“Ganito din sana ako. Kaso runaway bride ako eh. Hahahaha hindi ko bet yung pinartner ni Bestfriend,” pagbabahagi ng isa.

Turan naman ng isa, “My gosh naalala ko noong high school. Madalas kaming ginaganiyan noon. Pipiringan ang mga mata namin. Wala ka nang kawala. Tapos dadalhin ka na sa booth. Pagtanggal ng piring, magugulat ka na lang, it’s either ang pinakaayaw mo sa classroom o ‘yung crush mo ang ipapakasal sa iyo ng mga mapan-trip na kaklase.”

“Wow, kung nagkakatotoo ang ilan sa mga na-marriage booth, paano naman ang mga na-jail booth? Hahaha,” pabirong tanong naman ng isa.

Ang marriage booth ay isa lamang katuwaan noon sa high school kaya hindi naman valid ang seremonya. Ginagawa ito upang kumita ang isang samahan o organisasyon. Ang iba pang mga kaugnay na booths na pinagkatuwaan noon ay blind date booth at jail booth.

Imahe mula sa Facebook account ni Deither Catugas / Public Domain Image

Sa blind date booth, pipiringan din ang mga pinagma-match na lalaki at babae at dadalhin sa isang lugar kung saan sila magde-date. Sa jail booth naman, hinuhuli ang mga mag-aaral batay sa itatakdang kulay ng damit na suot nila o iba pa. Makakaalis lamang sila roon sa “bilangguan” kapag may nagpiyansa o nagbayad sa kanila upang makawala.

Ang saya ng high school days, hindi ba?

Loading…