Matapos ang peso bills at coins: Mga naging Pangulo ng Pilipinas dumaan sa photo enhancement at colorization

  • Dumaan sa photo enhancement at colorization ang mga larawan ng Pangulo ng Pilipinas
  • Iyan ang ipinagmamalaki ng Kulay Colorization
  • Pumatok sa mga netizens ang colorization ng peso bills at coins

Matapos pumatok sa publiko ang photo enhancement at colorization ng mga Philippine peso bills at coins, mga naging Pangulo ng Pilipinas naman ang binigyang-buhay at kulay ng “Kulay Colorization” na ginawa ng digital artist na si Adlai Jawid.

Makikita sa Facebook page ang mga naging Pangulo na nagsimula kay Emilio Aguinaldo, Manuel Luis Quezon, Jose Laurel, Sergio Osmeña, Manuel Roxas, Elpidio Quirino, Ramon Magsaysay, Carlos Garcia, at Diosdado Macapagal.

Imahe mula sa Facebook page na Kulay Colorization

Nariyan din sina Ferdinand Marcos, Corazon Aquino, Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo, Benigno “Noynoy” Aquino III, at ang kasalukuyang Pangulo ng Republika na si Rodrigo Duterte.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

“The most interesting political history of our country. Thank you very much Kulay Colorization. Great!” papuri ng isa.

Sabi naman ng isa, “Ito ang magandang post sa history hindi bias walang bahid politika.”

Nilangkapan naman ang mga larawan ng kaunting paliwanag hinggil sa pagiging pangulo ng Pilipinas.

“Sa ilalim ng kasalukuyang Konstitusyon ng Pilipinas, ang pangulo ng Pilipinas (Filipino: Pangulo ng Pilipinas) ay kapwa pinuno ng estado at pinuno ng pamahalaan, at nagsisilbing kumander ng pinuno ng sandatahang lakas ng bansa,” ayon sa caption.

Imahe mula sa Facebook page na Kulay Colorization

“Ang pangulo ay direktang inihalal ng mga kuwalipikadong botante ng populasyon sa isang anim na taong termino at dapat na ‘isang natural na ipinanganak na mamamayan ng Pilipinas, isang rehistradong botante, na may kakayahang basahin at sumulat, hindi bababa sa apatnapung taong gulang sa araw ng ang halalan, at isang residente ng Pilipinas ng hindi bababa sa sampung taon kaagad bago ang naturang halalan “.

“Sinumang tao na naglingkod bilang pangulo nang higit sa anim na taon ay pinagbawalan na makatakbo muli sa posisyon. Sa pagkamatay ng isang nanunungkulang pangulo, permanenteng kapansanan, pagbibitiw sa tungkulin, o pagtanggal sa posisyon, aakuin ng bise presidente ang posisyon,” bahagi pa ng caption ng naturang post.

Imahe mula sa Facebook page na Kulay Colorization

Source :

Facebook

Loading…