Matapos ang peso bills, photo enhancement at colorization ng mga barya kinaaliwan

  • Matapos ang peso bills, mga barya naman ang sumailalim sa photo enhancement
  • Gawa rin ito ng “Kulay Colorization”
  • Ang digital artist na si Adlai Garcia Jawid ang nasa likod nito

Hindi lamang mga peso bills ang ginawan ng photo enhancement at colorization ng digital artist na si Adlai Garcia Jawid na ibinida niya sa kaniyang Facebook page na “Kulay Colorization.” Matapos kasing pumatok ito sa mga netizens, ipinagmalaki naman niya ang mga Philippine peso tulad ng piso, limang piso, at sampung piso.

Batay sa kanilang Facebook post, mistulang buhay na buhay ang mukha ng ating pambansang bayaning si Gat Jose Rizal sa piso. Nariyan din si Supremo Andres Bonifacio na nasa limang piso, at ang “Dakilang Lumpo” na si Apolinario Mabini na nasa sampung piso naman.

Imahe mula sa Facebook page ng Kulay Colorization

Narito naman ang reaksyon at komento ng mga netizens.

“Kung ganito ‘yung mga barya, parang masarap na lang itago kaysa gastahin,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Ang galing naman! Parang painting na rin. Buhay na buhay ang mga mukha ng ating mga bayani. Nakakatuwa lang.”

“Nakakatuwa naman! This is art! Bravo!” papuri naman ng isa.

May disclaimer naman ang Kulay Colorization para sa lahat.

“ALL PHOTOS FEATURED ON THIS PAGE ARE NOT FOR SALE AND HAS NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENT. IF YOU CLAIM THAT THE PHOTO IS YOURS, LET US KNOW IMMEDIATELY SO WE CAN GIVE THE PROPER CREDIT OR REMOVE IT ON OUR PAGE,” anila.

Dagdag pa, “THESE COLORIZED PHOTOS ARE NOT AND WILL NEVER BE A SUBSTITUTE TO THE BLACK AND WHITE PHOTOS. WE TRY TO GET THE COLORS AS CLOSE AS POSSIBLE BY CAREFUL RESEARCH. IF YOU HAVE SUGGESTIONS, DON’T HESITATE TO SEND US A MESSAGE.”

Imahe mula sa Facebook page ng Kulay Colorization

Nagpasalamat din ang Kulay Colorization sa mga netizens na nagustuhan ang kanilang photo enhancement at colorization dahil mas nabibigyang-buhay pa umano ang mga bagay na naging bahagi ng kasaysayan. Hindi lamang kasi mga pera o barya ang ginagawan nila nang ganito.

“SUGGESTIONS, COMMENTS, CONSTRUCTIVE CRITICISMS ARE VERY MUCH WELCOME. KULAY COLORIZATION WOULD LIKE TO THANK ALL OUR FOLLOWERS FOR YOUR SUPPORT AND PRAYERS. WE WILL DO OUR BEST TO KEEP YOU ALL IN GOOD VIBES.”

Nakaaaliw, hindi ba?

Source :

Facebook

Loading…