May nanalo na: 46 anyos na ginang, nag-swimsuit sa Manila Bay

Imahe mula sa Facebook | Renalyn Macato
  • Nagdulot ng good vibes ang isang ina matapos niyang magpa-picture sa Manila Bay suot ang swimsuit
  • Kuwento ni Renalyn sa panayam ng 24 Oras, sinabayan niya lamang ang beach vibes ng Manila Bay
  • Dinumog ng mga tao ang bahagi ng Manila Bay na may crushed dolomite kaya naman iminumungkahi ni Mayor Isko Moreno ang pansamantalang pagsasara nito sa publiko

Manila Bay challenge ba? May nanalo na raw dito, ayon sa netizens.

Imahe mula sa Facebook | Renalyn Macato

Ito ay ang 46 anyos na inang si Renalyn Macato na pinaghandaan ang kaniyang OOTD o outfit of the day sa pamamagitan ng pagsusuot ng pulang swim wear nang kaniyang bisitahin ang bahagi ng Manila Bay na may white sand.

Sa isang panayam sa 24 Oras ay sinabi niyang nag-swimsuit siya upang sabayan ang beach vibes ng lugar.

“Mas maganda pong mag-picture nang naka-swimsuit. Suot ko na po ‘yon sa loob tapos hinubad ko na lang po noong nag-picture ako,” aniya.

Ibinahagi ni Renalyn ang kaniyang mga larawan sa Facebook na may caption na “The depth of my beauty is like this bay — it is immeasurable by the surface.” Habang isinusulat ito ay may mahigit 53k reactions at 38k shares na ito.

Imahe mula sa Facebook | Renalyn Macato

“With a funny girl like you and a beautiful scenery, nakaka-refresh ng utak. Absolutely good for mental health. Stress reliever. Nakaka-relax,” sabi ni M. Daep.

“Anong sabi ng mga nag-post ng Manila Bay challenge? Kinabog kayo ni ate sa swim wear niya. May nanalo na, mga beshy. Iba talaga tayong Pinoy, kahit may pandemic, enjoy lang ang life. Positive vibes lang, huwag lang sa COVID,” komento naman ni L. Lapura.

Nitong Linggo, dinagsa ng mga tao ang bahagi ng Manila Bay na may crushed dolomite bilang ‘white sand’ effect kaya naman hindi na nasunod ang social distancing protocol upang makaiwas sa COVID-19. Dahil dito ay nasibak sa kaniyang puwesto si Ermita police chief Lt. Col. Ariel Caramoan.

Iminungkahi na rin ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagsasara nito sa publiko upang maiwasan ang kumpulan ng mga tao.

Loading…