Mayor Isko Moreno, maagang nag-anunsyo na temporary closed ang mga sementeryo sa Undas

Imahe mula sa UNTV
  • Maagang inanunsyo ni Mayor Isko Moreno ang pansamantalang pagsasara ng mga sementeryo sa Maynila sa panahon ng Undas
  • Ang mga libingan, pribado man o pampubliko, ay sarado mula October 31 hanggang November 3, 2020
  • Ipinaliwanag ng alkalde kung bakit maaga ang ginawa niyang announcement sa planong pagsasara ng mga libingan

Sa pamamagitan ng isang executive order ay ipinag-utos ni Manila City Mayor Isko Moreno ang pansamantalang pagsasara ng mga sementeryo, pampubliko man o pribado, sa darating na panahon ng Undas mula October 31 hanggang November 3.

Imahe mula sa Manila PIO

Sa ilalim ng Executive Order No. 38, ang tanging papayagan lang sa mga nabanggit na petsa ay ang interment at cremation services para sa mga non-COVID-19 cases, subalit kailangang sumunod sa mahigpit na ipinatutupad na minimum public health standards at physical distancing.

Ipinaliwanag ng alklade kung bakit maaga niyang inanunsyo ang pansamantalang pagsasara ng mga memorial parks, cemeteries at columbaries sa lungsod.

“Kaya ko po ito ginagawa ngayon, para mabigyan kayo ng sapat na panahon ng humigit-kumulang dalawang buwan na mabisita ang inyong mga mahal sa buhay na nahimlay sa mga pribado at pampublikong sementeryo,” paliwanag ni Yorme sa maagang announcent ng temporary closure ng mga libingan.

“Patawarin niyo po ako kung sakaling masasaktan ko ang inyong damdamin na hindi makita ang inyong mga mahal sa buhay sa partikular na panahon na iyon. Inagapan namin na makabisita po kayo sa panahon ngayon. Simula ngayon hanggang October 30 maari kayong bumisita na. Ang punto po, ngayon pa lamang nakabisita kayo sa inyong mahal sa buhay,” aniya.

Imahe mula sa Collectors Connection

Magiging isang napakalaking hamon para sa city government na ipatupad ang physical distancing kung sabay-sabay na magtutungo sa mga sementeryo ang publiko sa Undas.

Sa North Cemetery ay umaabot sa mahigit isa’t kalahating milyong tao ang mula sa siyudad, ibang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit na probinsya upang dalawin ang mga nahimlay na mga kaanak tuwing Undas.

Samantalang sa South Cemetery ay umaabot sa 800,000 ang bumibisita.

Nangako si Mayor Isko na babawiin niya ang executive order sakaling magluwag sa ipinatutupad na public health protocols ang pamahalaan bago dumating ang panahon ng Undas.

Imahe mula sa Wikimedia

 

Source :

Facebook, ABS-CBN

Loading…