Memorial museum kaugnay sa rehimeng Marcos itatayo sa UP Diliman

  • Itatayo ang “Fall of Brutal” sa UP Diliman
  • Ito ay isang memorial museum kaugnay sa rehimeng Marcos
  • Alay umano ito para sa mga naging biktima ng karahasan noong Batas Militar

Nakatakdang magtayo ng isang memorial museum sa University of the Philippines-Diliman upang magpagunita umano sa “atrocities” ng rehimeng Marcos, na magiging kauna-unahang state-sponsored memorial museum, ayon sa Inquirer, upang hindi malimutan ang mga naging danas kaugnay ng implementasyon ng Batas Militar sa Pilipinas.

Ang naturang memorial museum ay alay umano sa mga naging biktima ng karahasan noong panahon ng Batas Militar sa Pilipinas, na namayani sa panahon ng diktaturya. Tatawagin itong “Fall of Brutal” na disenyo ng mga freelance architects na sina Mark Anthony Pait, Mark Angelo Bonita, at  Wendell Crispo.

Public Domain Image

Nagkamit ng parangal ang kanilang disenyo sa Freedom Memorial Museum Design Competition na inorganisa ng Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission (HRVMMC) noong 2019.

Nakatakda umanong itayo ito sa 1.4 hektaryang lupang malapit sa UP College of Fine Arts, na balak paglagyan ng mga memorabilia, artifacts, kagamitang panturo, at audio-visual content hinggil sa mga nangyari noong Batas Militar, ayon sa HRVMMC.

Ang naturang museo ay may layuning mapataas ang kamalayan ng mga tao sa kung ano ang tunay na mga nangyari noon sa pamamahala ni Pangulong Ferdinand Marcos, na umano’y binabago sa pamamagitan ng “history revisionism” lalo na sa kabataan.

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizens.

“I don’t like Marcos but I think this project is untimely. All government funds should focus on economic recovery,” turan ng isa.

Sabi naman ng isa, “This is to remember and not forget all human right victims. Excellent!”

“Let that man rest in peace, whatever he did good or bad… he’s been gone a long time ago. Move on people! Look for good future, with new ideas from good human politicians,” pakiusap naman ng isa.

Public Domain Image

Hango ang disenyo ng gusali sa talulot ng mga bulaklak na naging simbolo ng tahimik at payapang paglaban ng mga tao upang muling makamit ang demokrasya, sa harap ng mga sundalo. Ito ang tinatawag na “EDSA People Power Revolution 1 na naging dahilan upang maluklok naman si dating Pangulong Corazon Aquino.

Loading…